Home>Entertainment>Showbiz>Mila del Sol pumanaw na

Mila del Sol pumanaw na

PUMANAW na ang veteran actress at dating LVN Pictures star na si Mila del Sol (Clarita Villarba Rivera in real life) last Wednesday, November 10 ng 1:10 a.m. sa edad na 97. Ang malungkot na balitang ito ay ipinaalam ng isa sa kanyang mga apo, ang dating kongresista ng Paranaque City na si Gus Tambunting sa pamamagitan ng social media account.

Isa sa tatlong anak ni Mila ay ang dating actress-game show TV host na si Jeanne Young ng “Spin-A-Win”. Ang dalawa pa ay sina Ancel at Leo Romero. Meron siyang 17 apo, great grandchildren and great great grandchildren.

Si Mila ay build-up star ng LVN Pictures na nagsimula in 1938 sa pamamagitan ng pelikulang “Ang Maya” opposite Fernando Poe, Sr.

During the pre-war ay nakagawa siya ng 16 na pelikula sa bakuran ng LVN Pictures at kasama na rito ang “Giliw Ko” in 1939, “Hali” at “Sawing Gantimpala” in 1940, “Hiyas ng Dagat,” “Rosalinda,” “Villa Hermosa,” “Ararong Ginto,” “Ibong Adarna,” “Mariang Alimango,” “Prinsesa ng Kumintang”at iba pa.

Nang okupahan ng mga Hapon ang Pilipinas, nag-volunteer si Mila sa Philippine National Red Cross at dumadalaw siya sa mga prisoner of war. During the post war ay bumalik siya ng LVN Pictures at nagpatuloy sa kanyang acting career. First movie niya ang “Orasang Ginto” nung 1946 na sinundan ng “Garrison,” “Alaala Kita,” “Dalawang Daigdig,” “Maling Akala,” “Violeta” at iba pa. Sandali siyang namirmihan sa Amerika nung 1953 pero muli siyang bumalik ng Pilipinas in the 1960s upang ipagpatuloy ang kanyang career.

Nakagawa rin noon si Mila ng ilang TV series tulad ng “Rawhide,” “Silent Service,” “Problema Mo Na Yan,” “Talagang Ganun” kung saan niya kasama ang anak niyang si Jeanne Young, Leopoldo Salcedo at Dindo Fernando. Napasama rin siya sa TV series ng “Rosalka” in 2010.

Isa sa mga last movies na nagawa niya ay ang 1974 movie na “Batya’t Palu-Palo”.

Si Direk Carlos Vander Tolosa ang nagbigay sa kanya ng screen name na Mila del Sol.

Ilan sa lead actors noon na kanyang nakatrabaho include Fernando Poe, Sr., Teddy Benavidez, Fred Cortes, Armando Goyena, Jose Padilla, Jr., Ely Ramos, Jaime de la Rosa, Rogelio de la Rosa, Leopoldo Salcedo at iba pa. Ang mga director naman who directed her include Lamberto Avellana, Emmanuel Borlaza, Manuel Conde, Ramon Estrella, Gregorio Fernandez, Gerardo de Leon, Jose Nepomuceno, Vicente Salumbides, Manuel Silos, Carlos Vander Tolosa, among others.

Bukod sa dating kongresista ng Paranaque na si Gus Tambunting, mga apo rin ni Mila ang actor na si Onemig Bondoc at ang kilalang musician na si Ira Cruz na naging miyembro ng iba’t ibang rock bands tulad ng Bamboo, Hijo, Introvoys, Passage at Kapatid.

Ryza ayaw nang magkaanak muli

KAHIT wala pang isang buwan magmula nang isilang ng Viva actress na si Ryza Cenon ang first baby nila ng cinematographer partner na si Miguel Cruz na si Baby Night, sabak siya agad sa virtual presscon para sa kanyang upcoming action-drama TV series sa TV5 simula sa November 25. Bukod kay Ryza, tampok din sa “Bella Bandida” sina Sarah Jane Abad, AJ Muhlach at Joseph Elizalde.

Kahit may baby na si Ryza, hindi naman daw ito nangangahulugan na may restriction na siya sa sarili bilang actress. Naka-depende pa rin umano sa material o proyekto na kanyang gagawin.

“Kailangang mabasa ko muna ang script,” aniya.

Although gumaganap na ng lead roles ngayon si Ryza, mas gusto pa rin umano niyang gumawa ng mga bida-kontrabida role na mas challenging umano sa kanya.

Turning 33 on December 21, si Ryza ay naging Ultimate Female Survivor ng ikalawang season ng reality show na “Starstruck” in 2004 na naging pasaporte niya sa showbiz.

Bago naging contract star ng Viva Artists Agency, si Ryza ay almost 14 years ding naging Kapuso actress. Last TV series niya sa Kapuso network ay ang hit afternoon TV series na “Ika-6 na Utos”. Naging bahagi rin siya ng longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na sinundan ng “A Soldier’s Heart” na parehong napanood sa Kapamilya network. Ang “Bella Bandida” ay unang TV series niya sa TV5.

Samantala, kahit may baby na si Ryza, wala pa rin umano sa kanilang immediate plans ni Miguel ang pagpapakasal. Mas gusto umano nilang mag-focus muna sa kanilang baby na ayaw na nilang masundan pa.

Anne ‘di pa makababalik ng Pilipinas

VIVA star Anne Curtis is not a hurry to return to work, not yet until her daughter, Baby Dahlia Amelie turns one year old in March next year.

Alam ni Anne na may naghihintay nang movie projects for her bukod pa sa hosting job niya sa “It’s Showtime”. Ayon kay Anne, gusto umano niyang namnamin ang pagiging 24/7 mom kay Baby Dhalia with husband Erwan Heussaff.

Hindi ikinakaila ng actress at celebrity endorser na kakaibang joy ang hatid ni Baby Dhalia sa kanila ng mister niyang si Erwan. Ito bale ang longest vacation ni Anne magmula nang pasukin niya ang showbiz since she was 12.

Mikee nagsilang na ng anak nila ni Yexel

NAKAPAGSILANG na ng kanyang first baby ang ex-PBB housemate turned dancer-member ng all-girl group na Girltrends (ng “It’s Showtime” na si Mikee Agustin (26) sa longtime partner nitong dancer at miyembro ng all-male dance group, ang Streetboys, director, producer and toy collector (since 1989) na si Yexel Sebastian. Pero ayaw pang i-share ng couple ang gender at pangalan ng kanilang baby.

Sa kabila ng matagal nang relasyon ng dalawa, wala pa rin sa kanilang plano ang pagpapakasal.

Kung boy ang baby nina Mikee at Yexel, tiyak na ito na ang magmamana ng toy collection ng kanyang ama na mayroon nang sariling museum sa Las Pinas City.

Yexel (38) has more than 50,000 toy collection at 900 lifesize statues. Siya rin ang nagma-may-ari ng largest Optimus Prime bust sa buong Asya.

The tragedies of Cory Quirino

NAIBAHAGI sa amin ng beauty and wellness advocate, radio and TV host, president and National Director ng Mutya ng Pilipinas na si Cory Quirino na walang magaganap na Mutya ng Pilipinas pageant sa taong ito dahil sa pandemya but she’s confident na tuloy ang kanilang search and coronation sa isang taon.

It was during the time of Cory as National Director ng Miss World Philippines na nanalong Miss World ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ni Megan Young in 2013. Naging maganda rin ang standing ng Pilipinas sa Miss World competition mula 2012 up to 2016 although sobra umano siyang na-dishearten nang hindi masungkit ni Catriona Gray ang Miss World crown in 2016 and only ended up as one of the runners-up but two years later in 2018 ay ito naman ang tinanghal na Miss Universe.

Ang OPM president at singer-composer at hitmaker na si Ogie Alcasid ang may kagagawan kung bakit hindi natanggihan ni Cory ang pamumuno ng Mutya ng Pilipinas.

In mid-1990’s, Cory hogged the headlines when she was kidnapped along with her driver and wardrobe assistant by five armed men sa may Lake Caliraya, Laguna kung saan siya nag-taping ng kanyang dating TV show, ang “Citiline”.

Ayon kay Cory, dasal at presence of mind lamang umano ang naging weapon niya para `labanan’ ang abductors.

Ang isa pang masakit na pangyayari sa pamilya ni Cory ay nang patayin ng mga Hapon ang kanyang paternal grandmother, ang misis ni Pres. Elpidio Qurino na si Alicia at tatlo sa lima nilang anak. Tanging ang ama ni Cory na si Tommy at isang tiyahin lamang ang nabuhay gayundin ang kanyang lolo na si Pres. Quirino.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger