Millennial expression pelikula na

March 10, 2020

PAMAGAT na rin ng pelikula ang millennial expression na Sana All dahil ito ang title ng bagong movie project ng direktor na si Bona Fajardo.

Sina Meg Imperial at Arvic Tan ang lead stars ng Sana All at kinunan ang mga eksena ng pelikula sa Ilocos region.

Halos magkasunod na ginawa ni Bona ang Sana All at  My Bakit List, ang 2019 movie nina Louise delos Reyes, Ivan Padilla at Prince Stefan. Ang Ilocos region din ang setting ng mga eksena ng My Bakit List.

Isang love story movie ang Sana All at tungkol ang kuwento nito sa mga taong takot sumugal sa pag-ibig.

Contract star si Arvic ng Viva Artists Agency at napanood na siya sa mga pelikula sa Viva Films.

Hindi  ang Sana All ang biggest movie break ni Arvic dahil nagbida na siya sa Feelennial, ang comedy film nina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani na ipinalabas sa mga sinehan noong June 2019.
    
Bukod sa kanyang acting career, in demand na television commercial model si Arvic na minsan nang napabalitang boyfriend ni Ynna Asistio.