Minaliit

November 17, 2018
Kris Aquino

Sinagot ni Kris Aquino ang isang basher na minaliit ang P1.2M bill niya sa credit card na diumano’y ginastos ng kanyang ex-manager na si Nico Falcis.

“Akala mo ang daming ninakaw sa kanya gusto lang palang mapansin. Nasaan na checkbook ko para matahimik siya,” ang tweet ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Kris at ipinaliwanag kung bakit pwede niyang ikapahamak ang isang credit card charge sa pangalan niya.

“Sometimes people need a dose of TRTH. A P662.14 ************ KCAP credit card charge jeopardized and could have voided my ******** contract worth P18,447,058,83 (total gross amount with 12% VAT),” ang sagot ni Kris.

Dagdag pa niya, ang mga nasa nasa listahan ng kanyang bill ay kakumpetensiya ng kanyang mga ine-endorsong kumpanya.

“Coming from someone who worked closely with the revered Abby Jimenez -- have you forgotten how strict endorsement contracts are? Just to refresh your memory they come with a list of competitors that the endorser isn’t allowed to be seen patronizing,” pahayag pa ni Kris.

At bilang pang-iinis pa sa netizen, she added, “if the check is ready, we can have it picked up.”

Ipinaliwanag din ni Kris na ang KCAP (Kris C. Aquino Productions) at siya ay iisa.

Marami naman ang nagtanggol kay Kris sa ipinost ng netizen at sinabing kahit maliit lang na halaga pa ang involved the fact na ninakaw ito sa kanya ay mali pa rin not to mention na may betrayal of trust ding involved.