Home>Entertainment>Showbiz>Minzy gustong nagkaroon ng career sa Pilipinas

Minzy gustong nagkaroon ng career sa Pilipinas

Minzy
Minzy

TIYAK na nagbubunyi ang mga Filipino fans ng South Korean K-pop sensation at dating miyembro ng all-girl pop group na 2NE1, ang singer-songwriter at dancer na si Minzy (Gong Min-ji in real life), 26 dahil kabilang na rin siya sa mga roster of talents ng Viva Artists Agency (VAA) . Si Minzy ay lumagda sa VAA nung nakaraang November 13 at kahapon, November 20 ay inilabas naman ng Viva Records ang kanyang debut single sa Pilipinas, ang kanyang sariling Tagalog version ng kanyang song na “Lovely,” her first solo song bilang independent artist.

Since nasa VAA na rin si Minzy, excited umano siyang makipag-collaborate sa iba pang resident stars and talent ng kumpanya at kasama na rito ang pop superstar na si Sarah Geronimo at ang dance princess na si Ella Cruz.

Sa virtual presscon na ipinatawag ng Viva, inamin ni Minzy (sa pamamagitan ng isang interpreter) na bukas umano siya na sumubok sa larangan ng acting pero wala pa umano siyang idea kung sino sa mga lead actors ang gusto niyang makatrabaho pero excited umano siya sa possibility na pasukin ang acting sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Minzy na puwede rin umano siyang mag-adjust sa kanyang music style kapag siya’y makipag-collaborate sa mga Filipino artists. Inamin din niya na gustong-gusto umano niya ang “Tala” ni Sarah G.

Baliktad sina Minzy at dati niyang kasamahan sa 2NE1 na si Sandara Park na sa Pilipinas nagsimula ang career bago siya naging big star sa South Korea. Si Minzy naman ay nagsimula ang karera sa Korea at ngayon naman susubok sa Pilipinas.

Dahil familiar na si Sandara sa Pilipinas, sa mga Pinoy, kultura at maging ang mga Filipino fans, maraming tips umano ang ibinigay sa kanya ng dati niyang kasamahan sa grupo. Natutuwa rin umano si Sandara for her na susubok naman sa Pilipinas.

Since nasa iisang kuwadra sina Sarah Geronimo, Minzy at Ella Cruz, maganda siguro kung pagsasamahin ang tatlo sa isang virtual concert with Viva producing the show.

At 26 turning 27 on January 18, inamin ng Korean pop sensation na single and un-attached umano siya.

Sayang nga lamang at hindi namin naitanong kay Minzy kung possible bang ma-in love siya sa isang Filipino guy tulad noon ni Sandara Park sa Filipino actor na si Joseph Bitangcol.

Ang kuwento ng Beks Battalion

ANG sikat na stand-up comedians, actors and YouTubers na Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis (Richardson de la Cruz), MC Muah (Melvin Calaquian) at Lassy (Reginald Marquez) ay pare-parehong nagsimula at nakilala sa mga comedy bars na lahat sarado ngayon dahil sa pandemya. Silang tatlo ay may koneksiyon din sa comedy star at main host ng noontime show na “It’s Showtime” na si Vice Ganda.

Isa na noon si Vice Ganda sa mga reyna ng comedy bars nang magsimula sina MC Muah at Lassy. Luckily for them, naging close umano sila kay Vice kahit kasisimula pa lamang nila noon at naroon umano sila nung nangangarap pa lamang ang singer-comedian-host na mapasok ang showbiz at kasama umano sila sa nag-i-encourage at nagpu-push sa kanya. Kaya naman, nang pasukin ni Vice ang showbiz at sumikat ito ay hindi umano sila kinalimutan nito. Bitbit umano sila sa kanyang pag-angat.

For sometime ay magkakatulong na sumulat ng script sina MC, Lassy at Chad for Vice na natutuwa naman para sa kanila laluna kay Chad nan aka-2nd place sa “Miss Q&A” segment ng “It’s Showtime”.

“Niyakap niya ako at masaya siya for me,” pagbabalik-tanam ni Chad Kinis.

Although hindi nakuha ni Chad Kinis ang korona sa grand finals, siya ang tinanghal ng 2nd runner-up at nakapag-uwi siya ng P200,000 bilang premyo.

“More than the price, ang importante ay tumatak ka sa mga manonood,” pahayag ni Chad Kinis.

Bakit Chad Kinis?

Nung nagsisimula pa lamang ako sa maliliit na comedy bars, Blossom ang screen name ko kasi nagbu-blossom ang mga tagiyawat ko sa mukha. Then Rica tapos ginawa itong Chad Kinis. Ang Chad ay galing a real name kong Richardson habang ang Kinis ay kabaliktaran sa balat ng mukha ko,” natatawaang kuwento ni Chad.

Si Chad ay isang nursing graduate at nag-trabaho sa BPO bago niya pinasok ang pagiging stand-up comedian.

Si MC Muah naman ay nagtapos ng communication arts sa University of Santo Tomas (UST) at bunso sa tatlong magkakapatid. Nagwu-work na umano siya noon. Kapag suweldo ay lumalabas umano sila ng kanyang mga friends at nagpupunta sa mga comedy bars. Aliw na aliw umano siya at magmula noon ay pinangarap niyang maging stand-up comedian.

Since hindi pang-character ang kanyang mukha, ginamit na lamang ang initials ng kanyang first name at family name na MC at dinagdagan ng Muah at ginawang MC Muah.

Si Lassy naman ay panganay sa apat na magkakapatid. Dahil kapus umano ang kanyang parents, hindi niya natapos ang kanyang management course at nag-trabaho na lang siya para makatulong sa kanyang pamilya. Siya ang nagpaaral ng nursing sa kanyang youngest sister na nasa Amerika na at may sarili nang pamilya.

Tulad nina Chad at MC Muah, sobra rin umano siyang na-in love sa pagiging stand-up comedian kaya nagsimula umano siya sa maliliit na comedy bars hanggang sa mapasok niya ang malalaking venue kung saan sila nagkita-kita kina MC Muah at Chad who came in much later.

Si MC Muah ang nakapansin sa kakaibang talent ni Chad Kinis kay ni-recommend niya ito kay Vice Ganda.

Sa tatlo si Chad Kinis ang kinu-consider nina MC Muah at Lassy na visionary in terms of brilliant ideas. Pamilya naman ang turingan ng tatlo lalupa’t pareho nang orphaned sa parents sina MC at Chad habang kumpleto pa ang pamilya ni Lassy. Since close silang magkakaibigan at magkakasundo silang tatlo, they decided to live together in one house at nagsi-share sila ng lahat ng expenses sa bahay.

Bago nabuo ang Beks Battalion, nauna nang mag-YouTube si Chad. Katunayan, meron na rin itong mahigit 1M subscribers. Siya ang nag-encourage kay MC Muah na gumawa na rin ng sarili niyang YouTube channel pero mahina ang loob nito kaya niyakag nila si Lassy to join at dito nabuo ang Beks Battalion sa YouTube.

“We have to give credit kay Chad dahil siya talaga ang nag-push sa akin at sa amin ni Lassy na maging content creator na sinimulan namin nung February this year. The following month ay nagsimula ang lock-down. Lahat kami ay nawindang dahil nagsara lahat ng mga comedy bars. Paano na lang,” pagbabalik-tanaw ni MC Muah.

“Hindi kami handa and I think, walang handa sa pagdating ng pandemya,” susog naman ni Lassy.

“Wala kaming trabahong lahat. Hindi namin alam kung saan kami magsisimula,” ani MC Muah.

“Naka-survive kami dahil sa YouTube channel namin,” pag-amin ni Chad Kinis.

Watch, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instragram, @asteramoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)