‘Miracle of healing’

November 21, 2018
Tirso Cruz & Family
(From left) Bodie, Djanin, Lynn, Tirso & the late TJ Cruz

Panganay nina Tirso at Lynn, pumanaw sa kanser.

ISA ang talent manager at dating TV host na si Lolit Solis sa mga unang nakiramay sa pagpanaw kahapon ng 37-anyos na si TJ Cruz, panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti.

Ayon sa Instagram post ni ’Nay Lolit, medyo late na na-detect nina Tirso at Lynn na may lympathic cancer si TJ.

Dati ring nag-aartista si TJ (buong pangalan: Tristan Jedidiah Cruz). Naging bahagi siya ng Ang TV ng ABS-CBN at mga pelikulang Rollerboys at Eskapo.

Kung hindi kami nagkakamali, nanirahan din si TJ ng ilang panahon sa abroad kaya ’di gaya ng mga kapatid na sina Bodie at Djanin, panandalian lamang ang kanyang naging pag-aartista.

Bago bawian ng buhay, nagsilbi rin siya bilang co-founder ng Spike For Hope, ang fund-raising volleyball tournament para sa Make A Wish Philippines, isang non-profit organization para sa mga batang may malubhang karamdaman.

Samantala, sa Facebook post ni Bodie kahapon, sinabi niyang, “Surely your goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the Lord forever.” (Psalm 23:6)

“The battle with cancer for the past six months was tough, but it was also a time we got to experience God’s love and faithfulness in abundance as a family.

“I am so grateful to the Lord for your life that was filled with passion, boldness and love. You desired nothing but to serve God and to glorify Him through dancing.

“Now, you will be able to do it free from sickness and pain, and in front of our Creator Himself -- and you get to worship Him there forever. I love you, Kuya.

“Thank you to everyone who stood with us in prayer. Today, Kuya TJ has received the miracle of healing that we have believed God for. He is faithful.”

Nagsimula na kagabi, alas-otso, ang viewing sa mga labi ni TJ sa Tanguile Chapel 2F ng Funeraria Paz Manila Memorial Park, Sucat, Parañaque.

Nakikiramay po ang People’s Tonight sa mga naulila ni TJ.