Miriam at Mister may baby na

February 17, 2019

AFTER almost five years of marriage ay biniyayaan na rin sa wakas ng isang anak ang mag-asawang Eduardo `Ardy’ Roberto, Jr. (52) at dating Miss Universe 1st runner-up (1999) na si Miriam Quiambao, 43.  Isinilang ni Miriam ang first baby nila ng mister niyang si Ardy na si Baby Elijah nung February 16 sa pamamagitan ng Caesarian section (CS).

Hindi ikinakaila ng mag-asawang Ardy at Miriam na nag-entertain na sila ng idea ng adoption at pagsa-ilalim ng IVF (in vitro fertilization) procedure pero bago pa man ito nangyari ay nagbuntis si Miriam which she announced in her Instagram account nung August 2018.

Miriam has a 10-year-old stepson na si Joshua na kinu-consider nilang panganay na anak ng mister niyang si Ardy.  Si Joshua ay adopted son ni Ardy at ng yumao niyang misis na si Tingting.

Kung second wife ni Ardy si Miriam, second husband na rin ng dating beauty queen-TV host at book author si Ardy.  Miriam was first married to her Italian businessman ex-husband na si Claudio Rondinelli in 2004 pero nagkahiwalay sila after two years in 2006 due to verbal abuse.  Almost two years ding nanirahan sa Hong Kong si Miriam to be with her ex-husband na naka-base sa nasabing lugar.

Nagpakasal naman sina Ardy at Miriam nung March 25, 2014 after they got engaged in October 6,  2013.

Ang mag-asawang Ardy at Miriam ay parehong motivational speakers at book authors.

Si Baby Elijah ang katuparan ng mga pangarap nina Ardy at Miriam bilang mag-asawa.