Miriam nagpapa-breastfeed pa rin ng anak

July 11, 2020
Miriam Quiambao
Miriam Quiambao, husband Ardy Roberto with sons Joshua and Elijah

KAHIT more than one year old na ang anak na si Elijah ay bini-breastfeed pa rin ito ng 45-year-old na si Miriam Quiambao-Roberto hanggang ngayon.

The 1999 Miss Universe first runner-up gave birth to her son  on February 17, 2019 when she was 43 years old courtesy of her second husband, book author and entrepreneur Eduardo `Ardy’ Roberto (54) na isang widower. May isang anak (Joshua) si Ardy sa kanyang namayapang misis.

Limang taon din ang ipinaghintay ng mag-asawang Miriam at Ardy bago sila nabiyayaan ng anak and they consider Elijah a miracle baby.

Miriam was formerly married to Italian businessman, Claudio Rondinelli who was based in Hong Kong pero tumagal lamang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama (2004-2006). Hindi sila nabiyayaan ng anak.