Misis ni Richard Merk pumanaw

September 24, 2019
Roni Tapia and Richard Merk
Roni Tapia and Richard Merk

MATAPOS ang magkasunod na pagpanaw nina Direk Mel Chionglo at dating  entertainment editor ng Manila Standard Today na si Isah Red nung nakaraang Sabado, September 21, sumunod naman kinabukasan, September 22 ang wife  ng kilalang  jazz singer-actor na si Richard Merk na si Roni Tapia-Merk dahil sa cancer.

Kahit hindi taga-showbiz si Roni, marami itong naging mga kaibigan sa industriya dahil na rin sa mister niyang si Richard.

Ang mag-asawang Richard at Roni ay may 19-year-old daughter na si Manna Tapia-Merk na may six months ding hindi nakita at nakasama ni Richard.  Kaya naging emotional ang muling pagkikita ng mag-ama.

Roni’s body was cremated last Monday  habang ang kanyang wake ay sa Santuario de San Jose in Forbes Park, Makati until Wednesday.

Si Roni ay huli naming nakitang buhay sa wake ng  kanyang mother-in-law at  ina ni Richard, ang Queen of Jazz na si Annie Brazil nung nakaraang March.

Even as early as last year ay sumasailalim na si Roni ng regular chemotherapy and radiation for her cancer.

Bago sumakabilang-buhay si Roni ay matagal na silang hiwalay ni Richard at kasama ni Roni ang anak nila na si Manna.