Home>Entertainment>Showbiz>Miss Universe Philippines big challenge for Shamcey

Miss Universe Philippines big challenge for Shamcey

Shamcey Supsup-Lee
Shamcey Supsup-Lee

NAPAKALAKING challenge para sa National Director ng Miss Universe Philippines, ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee dahil isasagawa ang kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant under her turf sa gitna ng pandemic. The pageant was originally scheduled nung May 3, 2020 then naurong ito to June 14, 2020 and eventually to October 25, 2020 na nakatakdang gawin sa Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club in Baguio City at hindi na sa SM MOA Arena na siyang original venue dahil wala nang audience sa coronation night. This will be hosted by KC Montero and Benjamin Alves. The Miss Universe Philippines Orgnization (MUPO) will make sure that they follow the mandated health protocols.

Out of 52 candidates ay 46 na lamang ang maglalaban-laban for the title and the crown dahil anim dito ay nag-back-out sa magkakaibang kadahilanan. Dalawa sa mga ito ay parehong nag-positibo sa Covid-19, sina Maria Isabela Galeria ng Sorsogon at Vicky Vacalares ng Cagayan de Oro City. Ang apat pang umatras ay sina Princess Marquez ng Aurora, Mariam Lara Hamid ng Capiz,

Chairah Lyn Markwalder ng Leyte at Angela Aninang ng Negros Occidental.

SA 46 candidates ng Miss Universe Philippines 2020, 27 sa mga ito ay repeaters o sumali na sa iba’t ibang national and international beauty pageants tulad ng Bb. Pilipinas, Miss World Philippines, Miss Earth Philippines, Mutya ng Pilipinas, Miss World Tourism Philippines at international pageants tulad ng Miss Globe, Miss Tourism Global, Miss Teen Universe at Miss Model of the World

Ang 2019 Bb. Pilipinas – Universe na si Gazini Ganados ang siyang magpuputong ng korona sa tatanghaling winner ng Miss Universe Philippines 2020 na siya namang kakatawan sa upcoming 69th Miss Universe 2020 na gaganapin sa Ghana, West Africa early next year. Ang outgoing Miss Universe 2019 na si Zozibini Tunzi ng South Africa ang siyang magpuputong ng korona sa ika-69th Miss Universe.

Kapag nagkataon, baka wala pang 50 ang participants ng Miss Universe 2020 dahil ang ibang bansa ay nag-kansela na dahil sa pandemya. Sa ngayon ay 28 countries pa lamang ang kumpirmado habang ang natitirang 16 na bansa (including the Philippines) ay magsasagawa pa lamang ng kani-kanyang national pageants this October up to November.

Ang 28 countries na meron nang mga kinatawan sa 2020 Miss Universe ay ang Albania, Bahamas, Belgium, Brazil, Cayman Islands, Croatia, Curacao, Dominican Republic, Ecuador, Finland, France, Ghana, India, Indonesia, Israel, Kosovo, Malaysia, Malta, Mauritius, Netherlands, Nicaragua, Panama, Poland, Portugal, Puerto Rico, Thailand, Venezuela at Vietnam. Habang ang natitirang 16 na bansa na magsasagawa pa lamang ng kanilang national pageants include Iceland, South Africa, Canada, Philippines, Australia, Japan, Bulgaria, Italy, Norway, Denmark, Romania, El Salvador, Baribados, United States, Columbia at Chile.

To date, apat na Filipina beauties na ang nakapag-uwi ng Miss Universe crown, sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018.

Samantala, ang Miss Universe coronation day will be shown on GMA on October 25, 2020. Mapapanood on October 23 ang national costume, swimsuit at evening gown competition habang ang preliminary competition ay gaganapin on October 21.

Kathryn at Daniel handa nang mag-settle down

NANGAKO sa isa’t isa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na handa na silang magpakasal bago sila umabot sa edad na 30. Twenty four na ngayon si Kathryn at 25 naman si Daniel. Meaning, mangyayari ito four years from now when Kathryn is 28 at 29 naman si DJ (Daniel).

Naging magkasintahan sina Kathryn at Daniel when the former was 16 at 17 naman ang huli while they were doing “Princess and I” TV series. Mahigit seven years na rin ang kanilang relasyon. Since matagal-tagal pa ang apat na taon, gusto munang i-enjoy ng magkasintahan ang kanilang respective careers at single lives dahil tiyak daw na maiiba na ang takbo ng kanilang buhay kapag mag-asawa na sila. Wala namang magiging problema sa kanilang mga pamilya dahil suportado sila sa kanilang mga plano.

Ang tambalan nina Kathryn at Daniel ay nananatiling hottest loveteam up to this day.

Samantala, ina-appreciate naman ng pamunuan ng ABS-CBN ang pananatili ng magkasintahan sa bakuran ng ABS-CBN at nangakong hindi iiwan ang kanilang home studio hanggang ito’y tuluyang muling makabangon.

No wedding plans for Gwen, Sam and twin partners

PAREHO nang engaged sina Gwen Zamora at Sam Pito sa twin brothers na parehong professional basketball players na sina David at Anthony Semerad pero wala pa silang sini-share kung kailan sila magpapakasal.

Meron nang more than one year-old baby boy sina Gwen at David na si Cooper John Semerad.

Sina Gwen at David got engaged matapos nilang i-announce ang pagbubuntis ng actress-model nung May 10, 2019 at sumunod naman ang engagement nina Sam at Anthony nung isang taon habang sila’y nagbabakasyon sa Australia.

Sina David at Anthony ay Australian-born Filipino-Czech.

Ang actress at commercial model na si Sam ay nagma-may-ari ng isang surfing resort in Baler, Quezon, ang L’Sirene Boutique Resort.

Dahil sa pandemya, ayaw munang magplano ng kanilang wedding sina Gwen at David gayundin sina Sam at Anthony.

Harlene masaya para kay Romnick at buntis na partner

AYON sa actress-producer na si Harlene Bautista na masaya umano siya para sa kanyang ex-husband na si Romnick Sarmenta at bagong partner na si Barbara Ruaro na malapit nang magka-baby.

Ayon kay Harlene, nakilala na rin umano ng kanilang apat na anak ang bagong partner ni Romnick gayundin ang bagong kasintahan ngayon ng actress-producer na si Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ng yumaong star builder at Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno).

Sinabi rin ni Harlene na masaya ang kanilang mga anak para sa kanila ni Romnick.

Sina Harlene at Romnick ay nag-issue ng joint official statement nung October 2018 na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ending their almost 20 years of marriage.

Ang ex-couple ay may apat na anak na pawang babae – sina Zeke (20), Bo (14), Nirel (11) at Uela (7). Ang panganay na si Zeke ay kasalukuyang nasa Lismore, Australia at doon nag-aaral ng culinary course.

Binalikan din ni Harlene ang kanyang pag-aaral. She’s currently taking up Master in Entrepreneurship sa Asian Institute of Management (AIM).

Si Harlene ang namamahala ng kanilang family business, ang Heaven’s Best Entertainment, isang film company behind the award-winning and critically-acclaimed movie “Rainbow’s Sunset” na pinagbidahan ng mga yumaong sina Eddie Garcia at Tony Mabesa kasama si Gloria Romero, Tirso Cruz Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Dizon. Ito’y mula sa direksiyon ng award-winning director na si Joel Lamangan at nakapag-uwi ng 11 out of 14 awards mula sa Gabi ng Parangal ng MMFF in 2018.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)