From Mitzki to Madrid, from signing to action

January 25, 2020

MASAYA ang singer-actress na si Kara Madrid (formerly Kara Mitzki) na siya’y napasama  sa “Ang Probinsyano” where she plays the role of Lt. Serena Mendoza na miyembro ng Task Force Aguila.

“I’m so honored po na mapabilang sa isang popular action-drama series na pinagbibidahan ni Direk Coco (Martin),” pahayag ni Kara na balik-Viva ngayon.

Bakit nagpalit ng screen name si Kara?

“Mitzki po talaga ang surname ko kasi Greek ang father ko.  Pero nahihirapan ang mga tao bigkasin ang family name ko pati spelling kaya ginawang Madrid na madaling tandaan,” paliwanag pa ni Kara na excited sa kanyang pagbabalik-Viva.

Although singing ang first love ni Kara, bukas na rin siya ngayon sa acting kahit sa mga action scenes dahil nag-aral din siya ng martial arts including mhuay thai, ninja academy training, boxing and even firing.  She also took-up dance lessons under G-Force maging acting lessons.

“I can do action scenes,” aniya.

Hindi tulad ng ibang singers and artists na hindi tapos sa kanilang pag-aaral, si Kara ay nagtapos ng high school with honors sa University of South Wales in Sydney, Australia.  Nagtapos naman siya ng college degree taking up Business Administration  major in Marketing sa International Academy of Business and Economics in Makati City and took her Master’s degree in Business Management sa Integra Business School nung isang taon.

Very optimistic si Kara na matutulungan siya ng Viva na maabot  ang kanyang mga pangarap.

Samantala, in 2016 ay nakagawa na si Kara ng kanyang debut album under PolyEast Records, ang kanyang self-titled album na “Kara” kung saan kasama ang `90s hit na “It Must’ve Been Love” habang ang kanyang music video ay pumasok sa  Top 10 ng Pinoy MTV nung 2017.

Si Kara ay isa ring composer and she’s also collaborating with other artists.  She’s also doing shows and concerts.

Ang kanyang pinakabagong single ay pinamagatang “No Ordinary Girl” which she herself composed .  She also recorded the song “Tayo” in 2018 under Viva Records which was composed by “Tala” composer ni Sarah Geronimo na si Rica del Rosario.

“Looking forward to  recording new songs under Viva,” dugtong pa ni Kara na muling binibigyan ng fresh start ang kanyang career both sa singing at acting.