Home>Entertainment>Showbiz>MMFF winners: Charlie tinalo sina Nora at Iza

MMFF winners: Charlie tinalo sina Nora at Iza

Paulo Avelino and Charlie Dizon
Paulo Avelino and Charlie Dizon

ANG pelikulang “Fan Girl” na pinagtambalan nina Paulo Avelino at Charlie Dizon mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone ang nakakuha ng siyam na major awards out of 26 trophies sa ipinamigay nung Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival na nagsimula nung nakaraang araw ng Pasko, December 25 at magtatapos sa January 7, 2021.

Paulo Avelino and Charlie Dizon
Paulo Avelino and Charlie Dizon

Ang siyam na tropeo na nakuha ng pelikulang “Fan Girl” ay ang Best Picture, Best Director ( Antoinette Jadaone), Best Actress (Charlie Dizon), Best Actor (Paulo Avelino), Best Screenplay (Antoinette Jadaone), Best Editing, Best Sound at 2nd Best Float. Sumunod sa “Fan Girl” ang “Magikland” with six (6) awards – Best Float, Best Visual Effects, Best Production Design, FPJ Memorial Award and Jury Prize award for the late megman, Peque Gallaga. Nakakuha naman ng tatlong award ang “The Boy Foretold by the Stars” – 2nd Best Picture, Gender Sensitivity Award at Best Original Theme Song.

Si Shaina Magdayao ang tinanghal na Best Supporting Actress for the movie “Tagpuan” habang si Michael de Mesa naman ang nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari”. Nanalo ring 3rd Best Picture ang pelikulang “Tagpuan” na tinampukan din nina Alfred Vargas at Iza Calzado mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Ang child actor na si Seiyo Matsunaga ang nanalong Best Child Performer para sa pelikulang “The Missing” habang ang pelikulang “Suarez: The Healing Priest” ang nakakuha ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.

Nominado rin si Zanjoe Marudo sa Best Supporting Actor award for the movie “Isa Pang Bahaghari” na dinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan pero napunta ang award kay Michael de Mesa (from the same movie) kaya sa kanyang acceptance speech ay ibinahagi niya ang award kay Zanjoe na napakagaling din in the movie na tinampukan nina Nora Aunor at Phillip Salvador at kung saan din tampok sina Joseph Marco, Sanya Lopez at iba pa.

Ang fiancé ng writer-director na si Antoinette Jadaone na si Direk Dan Villegas ang nag-produce ng “Fan Girl” na siyang inaasahang mangunguna among the ten official entries ng ongoing MMFF.

Ang pelikulang “Magikland” is considered the most ambitious Philippine movie to date na ginastusan ng mahigit P150-M ng Brightlight Productions ng businessman na si Albee Benitez in cooperation with the late megman na si Peque Gallaga and Lore Reyes. Ito ay dinirek ni Christian Acuna.

Tiyak na masaya rin ang bagong film producer, ang mahusay na aktres na si Jodi Sta. Maria dahil sa magandang review at feedback ng pelikulang “The Boy Foretold by the Stars. Tiyak ding hindi ito ang una’t huling pagpu-produce ng pelikula ni Jodi.

Dinaig naman ng baguhang si Charlie Dizon ang mga veteran award-winning actress na sina Nora Aunor at Sylvia Sanchez maging si Iza Calzado.

Dahil sa pagkakapanalo ni Charlie ng Best Actress trophy, tiyak na magiging maganda ang takbo ng kanyang acting career next year.

Si Charlie ay tampok sa pelikulang “Four Sisters Before the Wedding”. Kasama rin siya sa pelikulang “Seven Sundays” and “Sin Island” maging sa TV drama series na “A Soldier’s Heart” at iba pa.

Ang sampung pelikulang kalahok sa tumatakbong Metro Manila Film Festival ay napapanood ngayon on video streaming platform, ang Upstream.Ph at Globe’s GMovies sa halagang P250 per movie. Ang maganda rito, kaya na itong panoorin ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang bansa at ang P250 virtual ticket ay puwede nang panoorin ng buong pamilya.

Weddings, coming of the stork and other news in 2020

DALAWANG celebrity weddings ang naganap sa unang araw ng Marso 2020. Ikinasal nung March 1 sa Boracay ang 39-year-old Fil-Am singer-songwriter-producer na si Jay-R (Gaudencio Sillona III) sa singer na si Mica Javier, pamangkin ng singer-composer at isa sa original members ng Apo Hiking Society na si Danny Javier at anak ng businessman-politician na si Sandy Javier (na may-ari ng Andok’s). Sa araw ding ito ikinasal ang (dating) Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr at nobyo nitong si Gino Jose.

Nung March 2 ay isinilang ng actress-TV host and celebrity endorser na si Anne Curtis ang first baby nila ng kanyang husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie sa Melbourne, Australia.

March 3, 2020 nang ikasal ang 2018 Miss Intercontinental na si Karen Gallman sa kanyang fiancé na si Ian Garton na ginanap sa Stoneridge Estate in New Zealand. The following day, March 4 ng alas-6 ng umaga, pinaulanan ng mga bala ng isang riding in tandem ang van na sinasakyan ng aktres na si Kim Chiu kasama ang kanyang personal assistant at driver. Luckily for them, walang tinamaan sa kanilang tatlo.

March 7 naman nang ikasal ang dating miyembro ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na si Carl John Barrameda sa kasintahan nitong si Nikolai Comato. Isang simpleng wedding ang naganap sa Las Casas Filipinas de Acuzar in Quezon City.

Dapat sana’y isang magarbong wedding ang magaganap between engaged couple na sina Richrd Gutierrez at Sarah Labahti but this was put on hold dahil sa pandemya. Sa halip ay nagkaroon ng civil wedding ang dalawa na ginanap sa Bonifacio Global City nung March 14, 2020. On same day ay sumakabilang-buhay naman ang veteran actress na si Liberty Ilagan sa edad na 76.

Nung March 17, 2020, isinilang naman ng dancer-choreographer, actress- host, fashion designer and entrepreneur na si Regine Tolentino ang kanyang unang baby with her present partner na si Dondi Narciso na si Rosie Rignee . Si Regine ay may dalawang elder daughters sa kanyang ex-husband, ang actor na si Lander Vera Perez na sina Reigne (22) at Reigen (21). She gave birth to her third daughter after 21 years.

“I didn’t even known I was pregnant,” pagbabalik-tanaw ni Regine na nalaman lamang na siya’y nagdadalang-taon when she was already almost 6 months with her youngest daughter.

November 19, 2020 nang sumakabilang-buhay ang lead singer ng Mulatto Band na si Joey Bautista dahil sa coronavirus (Covid-19). Sa araw ding ito pumanaw ang kapatid ng magkakapatid na Tina, Cita, Maritess at Johnny Revilla na si Pita Revilla-Hocson na sumakabilang-buhay sa Amerika dahil sa sakit nitong cancer na sinundan ng veteran American hitmaker, singer-businessman na si Kenny Rogers at age 81.

March 23, 2020 nang maging ganap na ama ang singer-actor na si JC Santos nang isilang ang kanyang first baby na si River Altheia sa kanyang wife na si Shyleena Herrera.

Nung March 26, 2020, magkasunod na namayapa ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias at si Dra. Salvacion `Sally’ Rodriguez-Gatchalian dahil sa Covid-19. Si Dra. Sally ay nakatatandang kapatid ng actress-host na si Ruby Rodriguez. Siya bale ang pang-anim na Filipino frontliner doctor (in the Philippines) ang sumakabilang-buhay dahil sa coronavirus.

Ang kilalang vlogger na si Mich Liggayu ay nagsilang ng kanyang first baby na si Anasthasia Margaret sa nobyo nitong si Neo Domingo. Naging controversial naman si Sen. Koko Pimentel nang samahan nito ang kanyang pregnant wife na si Kathrynna Yu-Pimentel na nagsilang ng kanilang first baby na si Maria Kathryn Helena nung March 29, 2020. Si Sen. Koko ay naging positibo noon sa Covid-19.

Isinilang naman March 31 ang second grandchild ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa anak niyang si Cristalle Belo-Pitt. This time ay girl ang isinilang ni Cristalle na si Sienna Victoria.

Covid-19 din ang sanhi ng pagkamatay ng veteran host ng dating lunchtime show na “Student Canteen” na si Leila Benitez sa Amerika nung April 9. She was 89.

(To be continued)

Subscribe, share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger