Moira, James kulang pa

May 08, 2019
Moira de la Torre and James Reid
Moira de la Torre and James Reid

NAPANOOD namin minsan ang “Idol Philippines” which premiered on ABS-CBN last April 21. But sadly, hindi kami gaanong na-impress sa dalawang judges ng reality singing contest na sina Moira de la Torre and James Reid whom we think are not yet  fit and of authority to become judges sa isang napakalaking franchise singing competition.

Sa isang umpukan ng mga veteran entertainment media, magkakaisa kami sa aming obserbasyon na tila pilit ang pagiging judges ng dalawa  at hindi pa puwedeng ihanay sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang Unkabogable star na si Vice Ganda.

Bakit kaya hindi man lamang kinunsider ng mga namamahala ng “Idol Philippines” ang mga veteran singers-performers tulad nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Lani Misalucha at iba pa na may mas ‘K’ (as in karapatan) na tumayong hurado sa halip na mag-bank  sa popularity ngayon nina Moira at James?

Sorry for saying this pero ito ang aming nararamdaman at obserbasyon ng maraming tagasubaybay ng “Idol Philippines”.