Moira pabebe na, pa-victim pa?

May 22, 2019
Moira Dela Torre
Moira Dela Torre

NAKAMIT na ni Moira Dela Torre ang kasikatan na matagal na niyang pinapangarap.

Pero hanggang ngayon, pa-victim pa rin siya. As if naman siya lang ang nakararanas nito. Sa totoo lang, gasgas na gasgas na 'tong ganitong anggulo.

Ngayon na may nalalapit siyang solo concert sa Big Dome, pinalalabas na naman ng kanyang kampo na aping-api siya. Siguro naman alam nila na karamihan sa mga basher na ito ay trolls. But, trolls or not, this still generates publicity for Moira. Mula sa body shaming, ngayon naman bina-bash siya sa kawalan daw niya ng karapatan na maging judge sa Idol Philippines.

Undeniably, Moira is one of today's idols. Kaya naman inaprub siya ni Simon Fuller, ang creator ng talent search, para maging isa sa mga judge nito.

If I were her, she should ignore all these bashings against her role as Idol judge. Inggit lang sila. Nanggaling na mismo sa kanya na hindi nga siya umabot sa live rounds ng The Voice Philippines at boses electric fan siya. But look at  where she is now! Hindi pa ba sapat 'yun para mag-focus na lang siya sa kanyang blessings.  At huwag nang patulan ang mga basher. Mas marami siyang blessings kaysa sa bashings na dapat niyang ipagpasalamat.

As they say, haters gonna hate. And bashing is now the easiest way to make up publicity for celebrities. Pero pwede ba, Moira, tigilan na ang pabebe dahil may asawa ka na. And soon you'll have your own child. Kumita na 'yang gimik na 'yan. Kailangan ba lagi kang pa-victim? Just asking...

Disclaimer:

Malaya ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.