Home>Entertainment>Showbiz>Mommy Divine at Daddy Delfin lumambot na ang puso kay Sarah

Mommy Divine at Daddy Delfin lumambot na ang puso kay Sarah

TIYAK na napanood ng parents ng pop superstar na si Sarah Geronimo na sina Delfin at Divine Geronimo ang recent “Tala: The Film Concert” ng kanilang anak.

Part ng online concert ni Sarah ay ang kanyang pagbibigay ng tribute sa kanyang parents kung saan ipinakita ang duet nila ng kanyang dad na si Delfin sa awiting “I Will Be Here” ni Steven Curtis Chapman na hango sa kanyang 2012 “24/SG” live concert sa Big Dome. May footages din na ipinakita na kasama niya ang kanyang inang si Divine. Kung ito’y napanood ng mga magulang ni Sarah ay siguradong magmi-melt ang kanilang mga puso dahil ipinakita ng kanilang anak ang kanyang respeto at pagmamahal sa kanila.

Bukod sa kanyang parents, binigyan din ni Sarah ng halaga ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli who was her very special guest. The couple sang Ed Sheeran’s “Best Part of Me”.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring hopeful ang mag-asawang Sarah at Matteo na magiging maayos ang lahat between them and Sarah’s parents.

Baron inaming hindi perfect ang pagsasama nila ng misis

INAMIN ng 38-years old controversial actor na si Baron Geisler that he was a `lost soul’ during the time na parati siyang nai-involve sa iba’t ibang gulo at law suits dahil sa kanyang pagiging alcoholic noon. But he is now a changed man, a dedicated husband to wife Jamie Evangelista-Geisler at sa kanilang one year-old daughter na si Talitha Cumi and two stepsons. He is also now a newbie entrepreneur sa Cebu City kung saan na siya naka-base ngayon with his family.

Living a simple and peaceful life in Cebu made him realize a lot of things laluna nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya.

Aminado ang actor na hindi umano perfect ang pagsasama nila ng kanyang wife na si Jamie but it is a give-and-take process sa kanilang mag-asawa.

Baron has three daughters sa magkakaibang babae habang ang wife niyang si Jamie ay may dalawang anak na lalake sa previous relationship nito na kinu-consider niyang mga anak na rin. Katunayan, he’s very close to his two stepsons.

Up to this day, umaasa ang actor na sana’y makilala siya ng kanyang eldest daughter na isa na ngayong tinedyer.

“I know in God’s time ay mangyayari `yun,” asam ni Baron.

Sa kanyang tatlong anak, ngayon lamang umano siya naging hands-on father sa kanilang anak ni Jamie na si Tali and his two stepsons.

Klinaro ni Baron na nakilala niya ang kanyang wife na si Jamie na isang psychologist sa Cebu nung nasa labas na siya ng facility. The couple started dating in 2018 at nung July 2019 ay nag-propose ang actor kay Jamie na sinundan ng kanilang pagpapakasal sa civil wedding ceremony nung September 12, 2019 sa Quezon City Hall in Quezon City. The couple look forward to a bigger church wedding someday.

Yasmien at Rainier muling magtatambal

MATUTUWA ang fans ng dating magka-loveteam na Yasmien Kurdi at Rainier Castillo dahil muling mapapanood ang dalawa sa upcoming primetime TV series ng GMA, ang “Las Hermanas” kung saan tampok din sina Thea Tolentino, Faith da Silva at ang veteran actor na si Albert Martinez.

Matagal ding hindi naging aktibo si Rainier sa kanyang showbiz career.

Tulad ng kanyang dating ka-loveteam na si Yasmien na may sarili nang pamilya, si Rainier ay gayundin – ang kanyang partner na si Diane Quizon at meron na rin silang isang anak, si Stellar Quizon.

Kung excited si Yasmien sa balik-tambalan nila ni Rainier, gayundin ang pakiramdam ngayon ng kanyang ka-batchmate noon sa unang season ng Starstruck kung saan sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang tinanghal na Ultimate Female and Female Survivors pero pasok naman sina Yasmien at Rainier sa Final 4.

Si Rainier ay huling napanood sa “Eat Bulaga” nung 2020 nang siya’y maging guest sa “Bawal Judgmental” ng noontime show.

Si Yasmien naman has been happily married sa kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla kasama ang kanilang kaisa-isang anak, ang eight-year-old na si Ayesha Sara.

Subscribe, like, share and hit the notification bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.