Mommy ni Sarah, wala na sa intensive care unit

December 20, 2018
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Nakakangiti na si Sarah Lahbati ngayon dahil bumuti na ang kalagayan ng inang si Esther Lahbati matapos itong malunod sa Siargao last Tuesday.

Kasalukuyang naka-confine pa rin si Mommy Esther sa St. Luke’s Medical City, pero ayon sa post ni Sarah sa Instagram kahapon, na-transfer na sa regular room ang ina mula sa ICU (Intensive Care Unit).

Nag-post ng tatlong larawan si Sarah at makikita sa unang picture na bagama’t nakahiga pa sa kama si Mommy Esther ay nakatawa na.

Maging si Sarah ay nakangiti na rin at malayo sa hitsura niya last Wednesday na halata mong worried na worried.

Nasa larawan din ang daddy ni Sarah pati na ang dalawang anak nila ni Richard Gutierrez na sina Zion at Kai.

May kuha ring karga-karga ni Mommy Esther si Baby Kai kaya mukha namang okay na talaga siya.

“Praise God, my mama has just been transferred from the ICU to a normal room. Her oxygen levels have stabilized and she is feeling better and slowly recovering. Her lungs are still being treated carefully. I’m so relieved to see her smile and laugh with the kids... Grateful to all of you for the prayers... Let’s continue to pray for her speedy recovery,” ang caption ni Sarah.

Matatandaang last Tuesday ay halos gumuho ang mundo ni Sarah habang ikinukuwento sa kanyang IG story ang pagkalunod ng ina habang nag-a-island hopping sa Sirgao.

Ayon sa kwento niya, malakas ang current kaya nalunod ang ina kahit na magaling itong lumangoy. Kitang-kita mo ang pag-aalala sa post ng aktres at aniya ay iyak siya nang iyak at nanginginig.

Last Wednesday, nag-post din si Sarah ng update na nalipat na sa hospital sa Manila (St. Luke’s) ang ina pero nasa ICU nga ito kaya katakut-takot na dasal talaga ang hiling ng partner ni Richard.

God is good talaga at dininig Niya ang prayers ni Sarah pati ng lahat ng nagdasal para sa kanyang ina.