Mon kasama sa isang Korean movie

July 14, 2020

ANG 52-year-old Filipino actor na si Mon Confiado ay isa sa mga tampok na actor sa isang Korean action-adventure movie na pinamatang “The Golden Holiday” na pinamamahalaan ng Korean director na si Kim Bon-han at tinatampukan ng mga Korean actors tulad nina Kim Sang-ho, Kwak Do-won, Kim Dae-myung, Kim Hee-won, Shin Dong-mi, Lee Yoo-jin-Ito at iba pa.

Although first time ni Mon na makagawa ng isang Korean movie, nakagawa na rin siya ng ilang foreign films tulad ng “White Knight” na pinamahalaan ni Alexander Segal at pinagbidahan ni Lev Gorn at ang “Stateside” na dinirek naman ng Fil-Am director na si Marcial Chavez and was filmed in America.

Si Mon ay anak ng namayapang veteran actor na si Angel Confiado who would always bring him to the set ng mga pelikula kanyang ginagawa when he was still young.

Ayon sa actor, naging parang pangalawang bahay at playground na  niya ang iba’t ibang location na pinagdadalhan sa kanya ng kanyang namayapang ama kaya hindi kataka-takang nakahiligan din niya ang trabaho nito bilang actor.

Ang yumaong megman na si Peque Gallaga at si Direk Javier Reyes ang mga director ang  unang nagbigay ng break kay Mon in 1992 sa pelikulang “Shake, Rattle & Roll IV” at “Bakit Labis Kitang Mahal” na parehong entry sa 1992 Metro Manila Film Festival.  Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga movie projects ng actor hanggang telebisyon.  First TV series naman niya ang “Pangako sa `Yo” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales in year 2000 na umabot ng halos dalawang taon.

Kasama rin Mon sa cast ng 2019 Metro Manila Film Festival hit movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach at ang child star na si Xia Vigor.

Samantala, nananatili pa ring single si Mon hanggang ngayon.

May dalawang celebrities na na-link sa kanya, sina Juliana Palermo  at Ynez Veneracion na siyang pinakamatagal na naka-relasyon ng actor.  Pero kahit matagal nang nagkahiwalay sina Mon at Ynez ay nananatili pa rin silang close. Close din ang actor sa 8-year-old daughter ng dating sexy star na si Princess Keilah del Rosario na anak ni Ynez sa isang Muslim politician from the South.  There are even times na sinusundo pa ng actor si Princess para ipasyal ang bata.