Mona Lisa, 97, nagpaalam na

August 26, 2019
Mona Lisa

TULUYAN nang nagsara ang telon para sa veteran actress na si Mona Lisa (Gloria Lerma Yatco sa tunay na buhay) na pumanaw sa kanyang pagtulog nung nakaraang Linggo, August 25, 2019 sa edad na 97.

Si Mona Lisa ay isa sa stars ng 1930s and 1940s to 1950s. Pero tumigil siya sa pag-aartista sa loob ng halos dalawang dekada at bumalik nung dekada sitenta kung saan niya nakuha ang kanyang dalawang Best Supporting Actress awards mula sa 1976 Metro Manila Film Festival at 1977 FAMAS for the movie “Insiang” na pinagbidahan ni Hilda Koronel at dinirek ni Lino Brocka mula sa panulat ni Mario O’Hara.  Ginawaran din siya ng Lifetime Achievement Award ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino nung 1999 na sinundan ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award in 2005.  She was also nominated for Best Actress sa 1983 movie na “Cain at Abel”.

Bago at matapos ang World War II ay Flor de Lis ang screen name ni Mona Lisa at saka ito pinalitan ng Mona Lisa na hango sa kilalang painting ni Leonardo da Vinci ng Italy.

Si Mona Lisa ay naging contract star ng LVN Pictures at ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang “Giliw Ko” na pinagsamahan nila nina Ely Ramos, Mila del Sol at Fernando Poe, Sr.  Ito’y pinamahalaan ni Carlos Vander Tolosa kung saan gumawa ng kasaysayan ang actress nang siya ang kauna-unahang Filipina actress na nagsuot ng bathing suit sa pelikula.  Ginawa rin niya ang pelikulang “Tinangay ng Apoy” opposite Serafin Garcia in 1940.

After World War II ay naging sunud-sunod ang kanyang mga ginawang pelikula tulad ng action-drama movie na “Intramuros” na pinagtambalan nila ni Fernando Poe, Sr. in 1946, “Hanggang Langit” with Leopoldo Salcedo in 1947, “Batang Lansangan” with Ricardo Brillantes at “Pag-ibig at Patalim” with Teddy Benevidez in 1948, “The 13th Sultan” at “Sagur” nung 1949.        She also played the role of a war shock civilian sa pelikulang “Ulila ng Batas” na pinagsamahan nila ng Sampaguita child star na si Tessie Agana at ang “Buhay Alamang (Paglukso’y Patay)” opposite Sampaguita actor Fred Montilla at Premiere Productions actress Anita Linda  in 1952.  Pagkatapos nito ay nagpahinga muna si Mona Lisa sa kanyang acting career at siya’y bumalik in the 1970s kung saan naging sunud-sunod ang ginawa niyang pelikula tulad ng “Hindi Kami Mga Damong Ligaw” with Chanda Romero, Phillip Salvador and Charito Solis at “Insiang” ni Hilda Koronel in 1976, “Itim” ni Charo Santos in 1977, “Atsay” ni Nora Aunor in 1978 at “Risa Jones Showgirl” ni Rio Locsin in 1979, ang “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” in 1984 at iba pa.

Mona Lisa was married to Abelardo Guinto.

Ang mga labi ni Mona Lisa ay nakaburol sa Chapels 1 &2 ng Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Paranaque at nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Biyernes, August 30 ng 3 p.m.