Morisette nakasama muli si Michael Bolton

August 01, 2020
Morisette Amon and Michael Bolton
Morisette Amon with Michael Bolton in Singapore

TWENTY-four year-old singer-songwriter Morisette Amon is working for the second time with American multi-Grammy award winner singer-songwriter Michael Bolton sa pinakabagong Asian reality singing competition bilang judge at co-host.  Una silang nagkasama sa “Bolt of Talent” .

Ang bagong Asian singing competition na pagsasamahan ng dalawa ay ang “Asian Dream” which was taped in advance in Singapore at kung saan ang mga participants ay magmumula ng Singapore, Malaysia, Thailand, Vietnam, Hong Kong at Pilipinas at ito’y nakatakdang ipalabas on AXN Channel sa darating na August 6.

Si Morisette ay isa ring produkto ng reality singing competition.  Naging isa siya sa finalists ng “Star Factor” sa TV5 when she was 12 at kasunod na rito ang “The Voice Philippines” kung saan siya nasa team ni Coach Sarah Geronimo.

It was in 2012 nang mag-debut si Morisette sa stage sa pamamagitan ng Repertory Philippines production ng Disney’s “Camp Rock”.

Si Morisette din ang kauna-unahang Filipino artist na nagkaroon ng sarili niyang V-Live Channel, na popular  South Korean live video streaming service para sa mga celebrities.

Bukod kay Michael Bolton, Morisette has collaborated with other foreign artists at kasama na rito ang kilalang Australian singer, songwriter, multi-instrumentalist and record producer na si Rick Price.

Morisette hails from Cebu kung saan din nagmula ang napakarami nating magagaling na singers which include Asia’s Queen of Song Pilita Corrales, Dulce, Vina Morales at marami pang iba.