Morisette on a red flying carpet ride?

June 05, 2019
Morisette Amon
Morisette Amon

MORISETTE Amon is now a certified prime artist.

Level up na talaga ang Cebuana singer dahil sa red carpet treatment na ibinigay sa kanya ng ASAP Natin 'To! nitong nakaraang Sunday. Kaugnay ito sa kanyang birthday. Aside from her well-conceptualized production number, the program made extra effort to produce a VTR Intro to her spot. She had duet with Ogie Alcasid plus a vocal showdown with Birit divas Angeline Quinto, Klarisse De Guzman and Jona.

Siyempre, sinasabayan lang ng network habang matunog pa ang kanyang pangalan. Hot item ang singer ngayon dahil sa pagkakapili sa kanya ng Disney para kumanta ng "A Whole New World," kasama si Darren Espanto. Their version is for the Philippine promotion of the movie Alladin. Dahil dito, napansin siya mismo ng actor na gumanap na genie sa 2019 movie version na si Will Smith at pinagbigyan ang wish nito para kantahin ang theme song ka-duet ang Disney composer na si Alan Menken nang magkita sila sa Tokyo para sa promotion ng naturang pelikula. It seems that Morisette is up for international fame.

Ngayon na big star na siya, dumarami rin ang kanyang bashers. Mahilig daw siya mag-upstage sa co-singers niya sa mga production number. Matatandaan na binatikos siya nang minsan silang mag-duet ni Jessica Sanchez sa ASAP last year. Diumano'y sinadya niyang tinaasan ang boses para masapawan ang huli. Kaya tinawag siyang "pabibo at sapawera" ng bashers. Madalas din punahin ang kanyang pa-slang na pagsasalita ng Ingles.

Sadyang malayo na rin ang nalakbay ng singer mula sa pagiging starlet niya noon sa TV5. Kuwento ng isang kaibigan, noon daw halos lahat ng production staff ay binabati at bini-beso niya. Pero ngayon tanging matataas na position na lang daw ang kanyang bini-beso. Totoo bang umakyat na sa ulo ang kanyang pagiging Asia's Phoenix? Just asking...

Disclaimer:

For reactions and comments, text or call 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com.