Morissette may bagong international collaboration

February 15, 2020

IBINALITA sa amin ng singer-actor and talent manager na si Carlo Orosa na may collaboration sa pagitan ng popular Australian singer, hitmaker, songwriter, instrumentalist and record producer na si Rick Price at ang talent ng Stages at mainstay ng “ASAP Natin `To”  na si Morissette Amon sa classic hit song ni Rick in 1992, ang “Heaven Knows” which was uploaded sa Spotify on Valentine’s Day.

Hindi man si Morissette ang nanalo sa unang season ng  “The Voice Philippines” where she was under Coach Sarah’s (Geronimo) team, ito naman ang nagbukas sa kanya ng maraming oportunidad at kasama na rito ang pagiging regular mainstay ng longest-running musical variety show na “ASAP Natin `To” where she started to gain strong following.

Bukod sa recording and local shows and concerts, napaka-in-demand din ng Cebuana singer sa mga concert sa ibang bansa and collaboration with various international artists.