Movie with Kathryn a shot in-the-arm in Alden's career

March 14, 2019
Kathryn Bernardo and Alden Richards
Kathryn Bernardo and Alden Richards

FLASH in the pan.

This seemed to describe Alden Richard's showbiz career. Sumikat nang husto ang Kapuso actor mula nang pumatok ang tandem nila ni Maine Mendoza. As everybody knows, their tandem AlDub became a phenomenal hit. Pero kung gaano kabilis pumaimbulog pataas, ganu'n din kabilis ang pagbulusok pababa nito. Lalo na nang nag-iba ng direksyon ang kanilang love team, lalo ngayon na si Arjo Atayde na ang Bae ni Maine sa totoong buhay.

Sabi nga ng isa naming kasambahay, baka raw lalong bumaba ang popularidad nitong si Alden. Dahil hindi naman daw nag-rate nang todo ang huling teleserye niya na "Victor Magtanggol." At hindi pa naman daw nito kayang magdala ng sariling pelikula. Needless to say, our kasambahay is one of Alden's critics. Sa totoo lang, dagdag pa ng kasambahay namin, dinadaan na lang ni Alden sa pagpapa-cute ang lahat, lalo na sa "Eat Bulaga." Maging sa akting, walang improvement. Kahit naman sa hosting, hindi rin niya kayang mag-solo. In short, he's not evolving as a better artist. Suwerte lang talaga siya at ngumiti sa kanya si Lady Luck. And her Lady Luck is Maine, admit it or not.

One thing good about Alden is his reported generosity. Marunong daw itong tumanaw ng utang na loob sa mga tumutulong at nagmamalasakit sa kanya. Lalo na sa ilang showbiz press. Dapat lang! Dahil dito, puring-puri siya sa kabaitan at walang masyadong nega ang naisusulat tungkol sa kanya.

Now, a shot in the arm for his career is a movie project under Star Cinema to be megged by blockbuster movie director Cathy Garcia-Molina. At gaya ng mga naglabasang balita, tuloy na ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo. Both have something in common. Bitbit sila ng kanilang ka-loveteam. Sumikat si Alden dahil kay Maine at sinasabing sa KathNiel love team, si Daniel Padilla ang mas may hatak sa takilya.

Isang malaking eksperimento ang Kathryn-Alden teamup. Will this movie break all existing local box office records? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.