Home>Entertainment>Showbiz>‘My Love From Another Star’ malapit nang mag-landing sa GMA

‘My Love From Another Star’ malapit nang mag-landing sa GMA

My Love From Another Star
My Love From Another Star

NA-EXCITE ang fans ng sikat na Thai actor-model na si Nadech Kugimiya sa bagong show na hatid ng GMA The Heart of Asia na My Love From Another Star.

Base sa comment sections ng Facebook at Twitter accounts ng Heart of Asia, marami ang nagsabing matagal na nilang wish na mapanood ang Thai drama. Looking forward na rin silang muling mapanood si Nadech sa isang rom-com series.

Isa sa top actors sa Thailand si Nadech o kilala rin bilang Barry. Dati niyang kasama sa isang grupo ang isa pang sikat na Thai actor na si Mario Maurer. Si Nadech ay half Thai-half Austrian at ampon ng kanyang tiyahin na ang asawa ay isang Kugimiya.

Isa rin sa mga sikat na commercial models si Nadech at tinatawag siyang King of Presenters sa Thailand.

Halos pareho ng basehan ang Pilipinas at Thailand sa itsura ng mga artista. Karamihan sa kanila ay may dugo ring banyaga tulad ng karamihan sa mga artista rito sa atin na hindi mga purong Pilipino.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal