Mylene nagtagal kay Jason

March 14, 2019
Mylene Dizon
Mylene Dizon

ALTHOUGH nagsimula si Mylene Dizon sa Star Magic ng ABS-CBN in 1996, matagal na siyang walang kontrata sa Kapamilya Network kaya she works now as a freelancer or on a per project basis.

Kasama si Mylene sa sisimulang series na "Sahaya" sa GMA7 na pinagungunahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Meanwhile, Mylene has two sons na sina Tomas at Lucas Paraiso sa kanyang ex-boyfriend, ang model-turned-actor na si Paolo Paraiso.  She is now into a long-term relationship (almost six years) with former PBA player Jason Webb na matagal na ring hiwalay sa ex-wife nitong TV news anchor/host  na si Claudine Trillo. Si Claudine ay naging girlfriend noon ng mister na ngayon ni Carmina Villarroel na si Zoren Legaspi.

Ang dating mag-asawang Jason at Claudine ay merong dalawang anak na parehong babae.  Two boys naman ang anak ni Mylene sa kanyang ex-boyfriend na si Paolo.  Ayon sa aktres, magkasundung-magkasundo umano ang kanilang respective children ni Jason na lalong nagpapagaan sa kanilang relasyon.

Naging kasintahan din noon ni Mylene ang singer-composer and producer na si Ira Cruz na founding member ng iba’t ibang Pinoy rock bands tulad ng Hijo, Bamboo, Introvoys, Passage at Kapatid.  Umabot ng apat na taon ang kanilang relasyon ni Ira pero ito’y nalagpasan ng relasyon nila ngayon ni Jason na mahigit limang taon na.

Samantala, kahit parehong nasa bakuran ngayon ng GMA sina Mylene at John Estrada, marami ang nagsasabi na malabong magsama umano ang dalawa sa isang TV project.  Sina Mylene at John ay huling nagkatrabaho sa dating primetime TV series ng Kapamilya Network, ang “The Good Son” na pinangunahan ni Joshua Garcia kung saan nangyari umano ang problema sa kanilang dalawa which they both consider as `water under the bridge’ now.