Mylene nakikiusap sa sa pelikula mag-focus ang manonood

August 08, 2019
Mylene Dizon

MATAPOS mapanood sa Cinemalaya 2019 ang pelikulang “Belle Douleur” (French words for “beautiful pain”) na tinatampukan nina Mylene Dizon at Kit Thompson kasama sina Marlon Rivera, Jenny Jamora at Hannah Ledesma na siyang directorial debut ng lawyer-producer na si Atty. Joji V. Alonso ay ipalalabas na ito on commercial run sa mga sinehan nationwide sa darating na August 14.

Isang bagong May-December love story ang “Belle Douleur” na tinampukan ng mga lead character na sina Elizabeth at Josh na ginampanan nina Mylene at Kit.

Ayon kay Atty. Joji, one and only choice umano niya si Mylene to play the role ng isang self-made woman in her 40s na si Elizabeth na napi-pressure sa pag-aasawa na kabaliktaran naman sa gusto niyang mamuhay na mag-isa hanggang nakilala niya si Josh (Kit) in his 20s na magpapabago ng takbo ng kanyang buhay.

Dahil sa mga steamy and intimate scenes nila ni Kit in the movie, inamin ni Mylene na nagkaroon umano siya ng hesitation na tanggapin ang proyekto kahit gustung-gusto umano niya ang material dahil kinunsider niya ang magiging reaction ng kanyang present partner na si Jason Webb.

Ang ginawa ni Mylene ay ipinabasa niya ang script kay Jason na sumang-ayon naman na tanggapin at gawin niya ang pelikula.

Bukod sa boyfriend niyang si Jason, hindi pa umano siya nakagawa in her past movies ng ganito ka-intense na mga eksena laluna ang  mga lovescenes nila ni Kit.  But more than the  love scenes, mas gusto ni Mylene na pag-usapan at  pahalagahan ng mga manonood ang istorya at ang pagkakagawa ng pelikula.