Myrtle lumipat na sa GMA

February 13, 2020
Myrtle Sarrosa
Myrtle Sarrosa

IBINALITA ng celebrity lawyer na si Atty. FerdieTopacio na nasa bakuran na ng Kapuso Network ang singer-composer, actress at ex-PBB: Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle Sarrosa na lumagda ng kontrata sa GMA nung nakaraang Martes, February 11 under  GMA Artists Center.

Myrtle  graduated cum laude sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos  ng Communication Arts.

Immediately matapos siyang tanghaling Big Winner ng reality show na Pinoy Big Brother in 2012 ay sumailalim siya ng pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN for the last 7 years.

Si Myrtle ay kasama sa cast ng pelikulang “26 Hours: Escape from Mamasapano” na nakatakdang pamahalaan ni Lawrence Fajardo mula sa panulat ni Eric Ramos, ang award-winning writer ng “Rainbow’s Sunset,” ang 2018 award-winning  Metro Manila Film Festival movie.   Ang  nasabing pelikula ay magsisilbing film debut bilang producer ng Borracho Films ni Atty. Topacio and partners.

Naibalita rin sa amin ni Atty. Topacio na ang Borracho Productions din ang magpu-produce ng debut concert ng dating  cosplayer na si Myrtle sa Teatrino in Greenhills San Juan on May 8, 2020.

Sa sobrang dami ng pinagkakaabalahan ni Atty. Topacio, naisisingit pa nito ang mag-produce ng concert at pelikula.

“I love the industry dahil marami tayong mga kaibigan dito,” says Atty. Topacio,  who’s also a singer, film enthusiast, movie critic and legal counsel ng mga prominent personalities tulad nina dating  Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang former First Gentleman nasi Atty. Mike Arroyo, Bea Binene, Claudine Barretto, AljurAbrenica, Yasmien Kurdi at iba pa.

Atty. Topacio is married to Judge  Dinnah Aguila-Topacio since 1997 and they have two sons.