Na-depress

November 20, 2018
Heart Evangelista

Heart, nagsalita na tungkol sa ‘vanishing twin syndrome’

DALAWANG projects ang tinanggihan ni Heart Evangelista para sa limang taon na bagong kontrata niya sa GMA Network.

Mas minabuti niyang gawin ’yon next year dahil tatapusin pa niya ang ibang commitments pati na pagtulong sa kampanya ng asawang si Senator Chiz Escudero sa Sorsogon.

Eh, matapos mawala ang kambal sana nilang anak ng senador, ayaw na niyang planuhin ang kanyang buhay.

“’Pag masyado na kasing planner, nakakalimutan mo na mas may importanteng nagpaplano ng buhay mo. Let it be and see what happens,” rason ni Heart sa tanong kung kelan uli niya balak magka-baby.

“I’ve never been depressed in my life. Sa lahat ng heartaches ko, ’yun na siguro kasi ang pinakagrabe. Kasi you question yourself as a woman, you question everything. It’s really not a joke. Talagang na-depress ako, hindi ako lumabas ng bahay.

“But you know, I have a vanishing twin syndrome, so nu’ng namatay ang first baby, there’ll be 60 percent chance that the baby left behind will hard a time ’pag pinanganak siya.

“Sabi ng doctor, in a way, si Lord na ang nagdesisyon, so ’yon. It was a sign na mahihirapan din ’yung bata. That comforted me. It’s okay. Okay but I really did go through that hard time,” dagdag ni Mrs. Escudero.

Sa ngayon, naka-focus si Heart sa collaboration niya sa Kamiseta Apparel, kung saan ’yung mga painting niya, eh, makikita sa collections niya ng damit ng Kamiseta na available sa stores ng Kamiseta nationwide simula ngayong Miyerkules.