Na-impress!

January 08, 2019
Catriona Gray

Catriona, sumabak sa media interview sa Tate.

UNANG sabak pa lang sa media interview ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa American TV show na Good Morning America pero na-impress na umano sa kanya ang mga utaw sa New York.

Sa video na inilabas ng GMA Network.com, inilahad ni Catriona ang panaginip ng ina na magwawagi siya ng korona na pula ang suot na damit.

Wala raw interes si Catriona sa beauty pageants nu’ng bata siya. 

“But to see it come into fruition was just like, ‘Mom, are you hiding anything else for me in the future? I wanna know.’”

Ang guesting ni Catriona ay bahagi ng kanyang duties bilang Miss Universe.

Sa New York City siya nakatira ngayon.

Samantala, ang boyfriend-model ni Catriona na si Clint Bondad ay naging guest host ng GMA morning show na Unang Hirit.

Sa isang photo sa Instagram, kasama niya ang female hosts ng programa.

“And we are complete! Such amazing women! All of them super smart, beautiful and SO unique in their owns ways. A real pleasure to work with!”

Pero teka, bakit may lumutang na intriga na bago pa man maging Miss Universe si Catriona, eh, tapos na raw ang relasyon nila ni Clint?