Nabuhayan

December 13, 2018
Piolo Pascual

Nabuhayan ang fans nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na pwede pa silang magtambal at muling gumawa ng pelikula nang mag-viral ang photo nila na nagbebeso.

Kuha ang litrato sa harap ng elevator ng Novotel Hotel kung saan naka-billet ang ABS-CBN stars na may taping para sa Christmas Special ng network.

Sabi ng nag-upload ng picture na si piolopascual_ph, nauna si Piolo sa harap ng elevator, hindi agad sumakay, kaya nag-abot sila ni Judy Ann.

Ang linaw ng picture, sabay silang nagbeso, humawak pa si Piolo sa likod ni Judy Ann at si Judy Ann naman ay humawak sa left arm ni Piolo.

Tadhana raw ang pagkikita ng dalawa at baka sign na ’yun para muli silang gumawa ng pelikula.

In fairness, ang daming naghihintay ng reunion movie nina Judy Ann at Piolo, na-miss ang magaganda nilang pelikula sa Star Cinema.