Nadine inamin ang attitude problem: ‘Hindi ko gusto ito’

May 04, 2019
Nadine Lustre

HUMARAP si Nadine Lustre last Friday afternoon sa ilang entertainment press para ipaabot ang kanyang personal na pasasalamat sa kanyang pagkakahirang na best actress sa 67th FAMAS Awards dahil sa mahusay na pagkakaganap sa pelikulang “Never Not Love You” mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone under Viva Films. 

Ito bale ang second acting award na nakuha ni Nadine for the same movie.  In March this year, she was given Best Performance Award by the Young Critics Circle Film Desk (YCC-FD).

“Hindi po talaga ako nagi-expect na mananalo ako dahil pawang mabibigat at magagaling ang mga co-nominees ko (Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Glaiza de Castro),” pahayag  ni Nadine.  “To be nominated alone ay isa na pong malaking karangalan para sa akin.

“Sobra po talaga akong nagulat nang tawagin ang name ko.   I was stunned and overwhelmed at nanginginig po ako when I accepted the award.  Hindi po ako sanay na magsalita sa harap ng maraming tao,” pag-amin pa niya.

Nadine is often misinterpreted ng ibang tao na may attitude problem pero inamin niya na madalas talaga siyang magkaroon ng panic attack at social anxiety na nagsimula since she was young kaya nagkakaroon siya ng mood swing na hindi naman niya gustong mangyari.  Hindi rin niya ikinakaila na dumaan din umano siya sa depression at pagkakaroon ng insecurity bagay na unti-unti niyang nao-overcome dahil na rin sa mga taong patuloy na umuunawa, sumusuporta at nagmamahal sa kanya including her boyfriend na si James.

“He is the most patient, understanding, supportive and loving  person I’ve ever known,” description niya sa kasintahan.

Ayon kay Nadine, dati-rati ay sinasarili umano niya ang kanyang nararamdaman at ayaw niya itong i-share sa ibang tao including her family. Kaya naging mahirap ito para sa kanya dahil ang pakiramdam niya ay sasabog siya.  Nag-seek din umano siya ng professional help before pero ayaw niyang maging dependent dito kaya binuksan na niya ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga mahal sa buhay including James.

Seven years old pa lamang noon si Nadine when she started hosting a children’s oriented program on RPN, ang “Storyland” at kasunod na rito ang paggawa niya ng iba’t ibang TV commercials.

She was 15 when she joined Viva’s all-girl group na Pop Girls kung saan din kabilang ang singer-actress na si Shy Carlos.

Nadine is currently doing the dance movie “Indak” opposite Sam Concepcion and she has a guest role in James Reid’s solo flick, “Pedro Penduko” where she’s going to portray the role of Maria Makiling.

Given the chance, gusto umano niyang makatrabaho sa isang action movie si Robin Padilla and another  movie with JM de Guzman.

“Sobra akong na-in love sa movie nila ni Angelica (Panganiban), ang 'That Thing Called Tadhana',” ani Nadine.  Ito’y mula rin sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone na siya ring nag-direct ng “Never Not Love You.”