Nadine may bagong serye sa ABS-CBN

February 12, 2020
Nadine Lustre
Nadine Lustre

SA kabila ng problema ngayon between Nadine Lustre and her home studio, ang Viva Artists Agency (VAA) and Viva Films kung saan gusto na niyang kumalas, legally mananatili siyang Viva’s contract star until 2029.  Hangga’t hindi nare-rescind ang kanyang kontrata with Viva,  the company will continue to negotiate projects on her behalf but she has the prerogative to decline kung ayaw niya ang isang proyekto offered to her through Viva.

Nung isang taon pa lumulutang ang balita na magkakaroon si Nadine ng bagong TV series with the Kapamilya Network at ngayon ay maisasakatuparan na ito sa pamamagitan ng “Burado” na pagsasamahan nila for the very first time ni Julia Montes.  Kung pagbabasehan ang titulo, mukhang action-drama ang sisimulang serye.

Nagkaroon na ng story conference ang “Burado” recently na tatampukan din nina Paolo Avelino, Zanjoe Marudo, Ina Raymundo, Carmi Martin, McCoy de Leon, Lotlot de Leon, Matet de Leon at iba pa.  Ito’y under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Si Nadine ay huling napanood sa reality talent show na “Your Moment” kung saan siya tumayo bilang isa sa mga hurado along with King of Talk Boy Abunda at singer-dancer-TV host na si Billy Crawford hosted by Luis Manzano at Vhong Navarro.

Samantala, unang nagsama sina Julia at Paolo sa afternoon action-drama series na “Asintado” in 2018 na siyang huling proyekto ng actress bago ito pansamantalang nagpahinga sa loob ng mahigit isang taon.

Mauuna munang ipalabas ang action-drama mini-series ni Julia (also under Dreamscape)  na “24/7” na magsisimula nang mapanood every Sunday evening on February 23.  Kasama ni Julia sa nasabing serye sina Arjo Atayde, JC Santos, Edu Manzano, Amy Austria, Joross Gamboa, Matt Evans, Denise Laurel, Anna Luna, Pen Medina, Melissa Ricks (in her comeback bid), Pepe Herrera, Joem Bascon and his rumored girlfriend na si Meryll Soriano, Alora Sasam, McCoy de Leon, Patrick Sagui at Paeng Sudayan.