Nadine muling may pinatunayan

May 24, 2019
Nadine Lustre

BIG winners sina Nadine Lustre, Moira Dela Torre, Darren Espanto, and I Belong to the Zoo sa MYX Music Awards 2019 na ginanap sa Vertis North Tent Quezon City nitong Huwebes, Mayo 16.

Apat ang naiuwing award ng Kapamilya actress at singer na si Nadine: Female Artist of the Year, Artist of the Year, Music Video of the Year (para sa “St4y Up” music video, na idinirek ni Petersen Vargas), at Media Soundtrack of the Year (para sa kantang “Prom” sa soundtrack ng pelikulang Never Not Love You) kasama ang on-screen at off-screen partner niyang si James Reid.

Tumanggap ng parangal sa dalawang kategorya ang Idol Philippines judge na si Moira Dela Torre: Mellow Video of the Year (para sa “Tagpuan” music video na idinirek ni John Prats), at Collaboration of the Year (para sa kantang “Kung Di Rin Lang Ikaw”) kasama ang bandang December Avenue.

Nakapagpakilig kay Moira ang pagdalo sa awarding ceremony ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez.

Wagi rin si Darren Espanto ng dalawang awards: Male Artist of the Year at Remake of the Year (para sa kantang “Dying Inside to Hold You”).

Bongga si Nadine. Hindi lang siya nanalo ng acting awards (YCC at FAMAS) pero wagi rin siya sa pagkanta. Pinatutunayan lang ni Nadine na she is a versatile performer. Hindi lang siya astig sa acting kundi sa singing din.