Nadine nag-enjoy kasama si Sam

July 19, 2019

NAG-ENJOY nang husto ang dalawang lead stars sa paggawa ng upcoming dance movie, "Indak" na sina Nadine Lustre at Sam Concepcion.  Kaya walang ilangang factor sa kanilang dalawa at lalo nilang in-enjoy ang paggawa ng movie na ang ilang scenes ay kinunan pa mismo sa Bantayan, Cebu at sa scenic spots ng  South Korea.

Nadine and Sam have something in common, pareho silang mahilig mag-explore bilang artists hindi lamang sa larangan ng acting kundi maging sa music and dancing.

Although dance movie ang “Indak,” may halo rin itong drama.  Sam plays the role of Vin, leader ng Indak Pinas dance group.  Siya bale ang naghikayat kay Jen (played by Nadine) to join the group na magku-compete sa World Dance Championship in South Korea pero dito rin mabubuo ang kanilang pagkagusto sa isa’t isa at ang struggle na kanilang kakaharapin.

Collector’s item ding maituturing ang soundtrack album ng “Indak” dahil kasama sa album ang “Sumayaw sa Indak” ni Nadine kung saan featured sina Pio Balbuena at Shehyee, ang soulful version ni Sam Concepcion ng “Ikot-Ikot” at ang sariling version ni Janine Tenoso ng “Hindi Tayo Pwede”.

Ang “Indak” ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide on August 7, 2019.