Home>Entertainment>Showbiz>Nadine nag-online business na rin

Nadine nag-online business na rin

Nadine Samonte

ONLINE business ang name of the game ngayong pandemya even among showbiz personalities. Ang pinakabago ay ang Starstruck alumna at dating Kapuso actress na si Nadine Samonte who is into selling unsalted dried fish and other seafoods (particularly danggit at dilis) online business.

Nadine SamonteThe 32-year old actress-entrepreneur is married to veteran actress Isabel Rivas’ only son na si Richard Chua na isa ring businessman at meron na silang dalawang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.

Aminado si Nadine na mahilig umano siyang kumain ang unsalted dried fish gayundin ang panganay niyang si Heather. Ito umano ang naging daan ng kanyang bagong online business.

Although bukas pa rin si Nadine sa showbiz, she considers being a hands-on mom to her two kids her priority.

Ang kaibhan nina Vice Mayor Gian at Mayor Vico

Gian Sotto and familySOBRANG excited ang kaisa-isang anak na lalake ng mag-asawang Senate President Tito Sotto at veteran singer-actress at dating beauty queen na si Helen Gamboa-Sotto na si Gian Sotto nang isilang ang 6th child nila ng misis niyang si Joy Woolbright-Sotto last Saturday, September 12. Ang pakiramdam daw niya ay parang ngayon lang siya naging brand new dad considering na meron na siyang naunang limang anak, sina Sandro, Rosanno, Amari, Edrigo at Hugo. Hindi pa sini-share ng couple ang pangalan ng bagong silang nilang baby boy na pang-11 apo ng parents ni Gian na sina Tito Sen at Helen.

Ang pagpasok sa larangan ng pulitika ni QC Vice-Mayor Gian at ng sister niyang si Lala (Diorella Maria) ay hindi lamang nila minana sa kanilang amang si Senate President Tito Sotto kundi sa kanilang great grandparents na sina Vicente Y. Sotto at kapatid nitong si Filemon Sotto na parehong naging senador during their time.

Gian considers his dad his idol sa maraming bagay. For sometime ay naging talent din siya dati ng Star Magic ng ABS-CBN.

Si Tito Sen ang founder ng Vice-Mayors’ League of the Philippines nung siya’y nanunungkulan pang vice-mayor ng Quezon City. Ito ay posisyong hawak ngayon ni Gian.

Ang pinsan naman ni Gian na si Vico Sotto ay siyang mayor ng Pasig City. May isa pa silang pinsan na konsehal naman ng isang distrito ng Paranaque.

Ang kaibhan lamang nina Gian at Vico ay may sariling pamilya na ang una with 6 kids habang si Vico ay nananatiling loveless at 31.

Marian umatras bilang ‘First Yaya’ dahil sa mga anak

Dingdong Dantes and Marian RiveraUMATRAS ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera sa kanyang bagong TV series na “First Yaya” na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion.

Dahil sa pandemya, may mga required health protocols sa tapings and shootings at kasama rito ang lock-in period of at least two weeks. Hindi umano niya kakayanin na mawalay sa kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy nang ganun katagal.

Bukod sa sinu-supervise ni Marian ang panganay nila ng husband niyang si Dingdong Dantes na si Zia sa online class nito, nagpapa-dede rin umano siya sa kanyang bunsong si Ziggy.

Although tailor-made ang “First Yaya” for Marian at nakapag-taping na siya bago ang pandemya, she has to let go of the role.

Pero dahil kailangang magtrabaho, okey lang na si Dingdong ay naka-lock-in sa pagpapatuloy ng taping ng local remake ng “Descendants of the Sun” na pinagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.

Samantala, proud si Marian kay Dingdong sa Asia’s Star Prize award nito mula sa ika-15th Seoul International Drama Awards ng South Korea last Tuesday, September 15 dahil sa mahusay nitong pagkakaganap sa local remake ng Korean novel ana “Descendants of the Sun”. Nung isang taon ay si Alden Richards ang ginawaran ng kaparehong award na nakuha din nina Gabby Concepcion in 2017 at Dennis Trillo in 2016. Mapapansing lahat ng mga nanalo ay mga Kapuso actor.

Hindi ba sumasali sa nasabing award-giving body sa South Korea ang mga Kapamilya talents na tampok sa maraming teleserye?

BB iba naman ang mga kaaway ngayon

BB GandanghariKAHIT matagal nang naka-base sa Amerika si BB Gandanghari (Rustom Padilla) ay `in’ pa rin ito sa hanggang ngayon sa mga kontrobersiya sa Pilipinas dahil sa kanyang mga controversial vlogs.

Si BB ay nag-out as gay nung siya’y nasa loob pa ng PBB house nung March 2, 2006 kung saan siya nag-voluntary exit after 45 days. In 2009, BB became a transwoman.

After her expose on Piolo Pascual, BB is now into `word war’ on social media with actor-comedian and talent manager, Ogie Diaz gayundin ang talent manager-columnist na si Lolit Solis at isa pang veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin maging ang singer-actress-comedienne na si Ai-Ai de las Alas na nag-ugat lamang sa reaction ng mga ito sa kanyang controversial vlogs.

Bago pinasok ni BB as Rustom Padilla ang showbiz, siya’y nagtapos ng B.A. in Economics sa St. Louis University in Baguio City. Si BB ay nakatatandang kapatid ni Robin Padilla at younger brother ni Rommel Padilla.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)