Nadine, pinalitan ni Bela sa MMFF movie

July 27, 2019
Bela Padilla

HINDI lang bilang Darna (bagama't sinabing hindi siya nag-audition) kundi pati na rin sa MMFF official entry na Miracle in Cell No. 7 nawala si Nadine Lustre.

Ayon sa report, “due to medical concerns” ang dahilan.

Ang pumalit sa kanya ay si Bela Padilla.

Ang naturang pelikula ay remake ng isang sikat na Korean comedy drama film.

Nauna nang ina-announce na si Nadine ang bida sa pelikula.

Ayon sa pahayag ng Viva president at COO na si Vincent del Rosario, “Miss Lustre has begged off the project due to medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Samantala, ang ilan sa mga kilala at kumitang pelikula ni Bela ay ang 100 Tula Para Kay Stella, Meet me in St Gallen, and Fantastica. Kasalukuyan siyang napapanood sa ABS-CBN drama series na Sino Ang Maysala?: Mea Culpa.

Makakasama ni Bela sa Miracle in Cell No. 7 si Aga Muhlach.