Nag-trend!

December 07, 2018
Bong Revilla Jr.
Bong Revilla Jr.

NOT guilty ang hatol ng Sandiganbayan kay Senator Bong Revilla Jr. sa kasong plunder na isinampa sa kanya ng Ombusdman. Number one trending topic sa Twitter PH ang hashtag na #Revilla.

Nanguna si Mother Lily Monteverde sa pagpapadala ng mensahe kay Bong sa acquital niya kahapon via text at narito ang message ng Regal producer:

“My dear Bong, I know deep in my heart that you are innocent and praise God. I was very happy that the court has cleared your good name and that of your family.

“I believe that nobody and nothing can put a good man down. You are a good man inside and out. You are my idol and my hero. I embrace you back to the free world.

“I will host a big welcome back/welcome home party for you and Lani. I LOVE YOU my anak!!!”

Isa si Mother sa regular visitors ni Sen Bong sa detention center niya sa Camp Crame at nu’ng nakaraang birthday niya last September ay naghandog din siya ng birthday party.

Sa paglaya ni Sen. Bong, napaaga ang regalong Pasko para sa Revilla clan.