Nagbilad!

December 31, 2018
Marian Rivera
Marian Rivera

FOURTH wedding anniversary nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong December 30.

Pero pinaaga nila ang selebrasyon nang pumasyal sila sa Siargao Island kahapon kasama ang anak na si Zia.

Komo beach body, hayun at idinispley muli ni Yan ang kanyang katawan kesehodang buntis siya, huh! Biro niya sa caption ng two-piece bikini photo niya, “My heart is full... and so is my tummy... #WalangKatumbas.”

Bumuhos ang papuri sa post ni Yan mula kina Kim Domingo, Tim Yap, Boobay, Bubbles Paraiso, Shyr Valdez, Kyline Alcantara at iba pa na bumilib sa kaseksihan niya kahit buntis, huh!

Photographer muli ang role ni Dong kay Zia na kinuhanan ng litrato ang fave spot ng bata habang nasa swing.

Happy wedding anniversary, Dong and Yan!