Nagbilad!!

January 18, 2019
Maja Salvador
Maja Salvador

PINAAGA nina Maja Salvador, Bela Padilla at Rhian Ramos ang tag-init o summer dahil naglantad na agad sila ng bikini bods nila kahit January pa lang.

Kanya-kanya sila ng paandar sa Instagram pero sa tatlo, pinaka-conservative ang picture ni Bela dahil nakatagilid kaya hindi masyadong nakalantad ang kanyang dibdib at kuyukot, huh!

Feeling come and stare at me naman ang litrato ni Maja sa two-piece bikini.

Mas matapang ang photo niya kumpara kay Bela dahil paharap siyang nagpakuha.

Caption pa nga ni Maja, “Make them stop and stare.”

Pero hindi nagpatalo si Rhian sa payanig niya dahil nagmumura talaga ang boobs niya sa laki sa pic niyang nasa beach.

Sa hashtag niya, nakalagay ang #PuertoRico kaya may chance na doon siya nagpainit sa beach!

Eh, loveless naman sina Bela, Maja at Rhian kaya malaya silang gawin ang gusto nila kesehodang mag-init ang followers nila!

Sa tatlo, si Maja ang may pinakamaraming likes dahil mas una siyang nag-post kesa kina Bela at Rhian, huh!