Naghihintay ng panganganak

March 26, 2020

BABY boy ang magiging unang baby ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno na nakatakdang isilang sometime in June this year.

Sina Max at Pancho ay ikinasal nung December 11, 2017.

Baby boy din ang magiging second baby ng mag-asawang Cristalle Belo Henares-Pitt at Australian hotelier na si Justin Pitt any time now.  Katunayan, nasa hospital na si Cristalle (as of this writing) and waiting for her delivery.  Ang panganay na anak ng mag-asawang Cristalle at Justin na si Hunter ay magtu-two years old na sa darating na May 28.