Nagluluksa

October 30, 2018
Rico J Puno

OPM singers, nakiramay sa pagpanaw ni Rico

NAGLULUKSA ang local music industry dahil namatay kahapon, Martes, sa cardiac arrest ang tinaguriang Total Entertainer at OPM icon na si Rico J. Puno sa edad na 65.

Namayani ang lungkot at pakikidalamhati sa social media mula sa sikat na OPM singers na nakasama niya sa concerts at naaliw sa kakaiba niyang  entertainment na hatid sa publiko ng maraming dekada.

“The Total Entertainer, the funny always down-to-earth guy who was always humble and in the forty years I’ve known you, never ever changed or let success go to your head. I hated you when you make  green jokes but loved that they made people laugh. You are a true gem of a talent, and person, dearest Kuya Rico.

“We and the whole entertainment industry have just been turned upside down by your passing. Thank you for being so sweet and loving to me. Daddy loved you and I know you loved him too and made him laugh, so than you for that. Mahal kita, Kuya.

“Salamat sa sinabi mo not just once na I had ‘one of the prettiest faces.’ Muntik na akong maniwala pero mukhang seryoso ka naman. Huwag masyadong bastos jokes mo sa taas ha kuya baka ihagis ka ni Lord pababa hahaha!” bahagi ng Instagram post ni Sharon Cuneta.

“Rest in His peace kapitan. I’m in total shock at this news,” saad naman ni Gary Valenciano.

“REST IN PEACE KUYA RICO... Salamat sa mga nakakatawang pagsasama naten... ayan dapat may show pa tayo sa feb. 13... nabawasan ako ng partner sa show... GOD bless your soul kuya,” caption ni Ai- Ai de las Alas sa picture nila ni Rico J.

Nagpaabot din ng kalungkutan at pakikiramay sina Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at iba pang singers kahit hindi nakasama sa trabaho ang Total Entertainer.

Salamat, Rico, sa mga kanta mong nagmarka sa buhay ng bawat Pinoy tulad ng Kapalaran, Lupa, May Bukas Pa, Magkasuyo Buong Gabi, Macho Guwapito at ang paglagay mo ng Tagalog lyrics sa kanta ni Barbra Streisand na The Way We Were.

Rest in peace, Coriks (binaligtad na pangalan niya) at ang aming pakikiramay sa iyong  mga naiwan... (Condolences po from People’s Tonight    -- IFF)