Nakatatandang Barretto, gusto nang magkabati ang mga kapatid

October 31, 2019

SA kabila ng gulong  kinasangkutan ng  Barretto sisters maging sa kanyang panganay na anak na si Nicole at pamangking si Julia, never na nakialam  ang nakatatandang kapatid ng mga Barretto na si Joaquin ‘JJ’  Barretto.  Wala itong kinampihan ni isa man sa kanila.

Si JJ ay pangatlo  sa Barretto siblings na ang panganay ay si Mito (59) na sinusundan ni Michelle (58), kasunod si JJ (57) at pang-apat si Gia (50).  Panlima naman si Gretchen (49), pang-anim si Marjorie (45) at bunso sa pitong magkakapatid si Claudine (40).

Maging ang iba pang mga kapatid ng Barretto sisters na sina Mito, Michelle at Gia ay hindi rin nakialam sa away ng mga nakababatang kapatid.

Tulad ni JJ, hangad din ng mga nakatatandang Barretto ang kapayapaan at pagkakaisa ng pamilya kaysa tuluyang magkawatak-watak.