Nalugmok!

January 11, 2019
Angel Locsin
Angel Locsin

Dahil sa movie project na Darna, limang taon  hindi nakagawa ng teleserye si Angel Locsin, na naging daan para muntikan na niyang iwan ang show business.

Ikinuwento ng aktres sa solo presscon niya para sa seryeng pagbibidahan, The General’s Daughter, ang mga pinagdaanan niya.

Kaya pala ang caption ng litratong ipinost niya sa IG, ang poster ng seryeng The General’s Daughter, ay, “2015 challenged me. 2016 broke me. 2017 changed me. 2018 opened my eyes. 2019 I’M COMING BACK. After 5 years. This is Angel Locsin, reporting for duty as Rhian Bonifacio.”

Si Rhian Bonifacio ang karakter na gagampanan ni Angel sa nasabing serye na handog ng Dreamscape Entertainment.

Paliwanag ng aktres sa post niya, “May nabasa akong ganyan, parang iniba ko lang nang konti. 2018 kasi, parang binigyan ako ng chance. Mas brighter lahat.

“Hindi ko naman sinasabing lugmok ako noong 2017, pero ’yung five years na .yun, doon ’yung very challenging sa akin.

“’Yung limang taon na ’yun, ang daming nangyari, kaya noong pinost ko ’yun, parang hindi para ipabalik sa inyo ’yung memories, kung hindi para sabihin na I’m human.

“May moments na down ka, pero laging maging better. Wala namang ibang pupuntahan, eh, so stop worrying about stuff na hindi mo na dapat... na wala ka nang magagawa, ’di ba, na hindi mo na dapat problemahin.

“Isipin mo na lang kung anong next step mo. Parang dedma, ’pag may nangyari, eh, nangyari, anong gagawin natin? Move on ka na, next ka na, parang ganoon ’yung nasa isip ko noon.”

Kaya limang taon na walang serye si Angel ay dahil mahigpit na bilin sa kanya na hangga’t hindi natatapos ang Darna movie, hindi siya puwedeng gumawa ng soap.

Eh, paano naman ang kabuhayan niya?

Inamin din ng aktres na may guestings siya, pero hindi rin sapat iyon.

Good thing may mga TVC show siya.

Kaya nang bigyan ng go signal na mag-teleserye ay excited siyang umupo sa mga project na inihain sa kanya at napili nga niya ang The General’s Daughter na handog ng Dreamscape Entertainment at mapapanood na sa Enero 21, Lunes, sa direksyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial.

Kasama rin sa cast sina Tirso Cruz III at Albert Martinez, Eula Valdez, Janice De Belen, Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

May espesyal na partisipasyon naman ang Diamond Star na si Maricel Soriano.