Nalungkot!

November 12, 2018
Alden Richards

Alden, emosyunal sa pagtatapos ng ‘Victor Magtanggol’

Malungkot si Alden Richards sa pagtatapos ng Kapuso series niyang Victor Magtanggol. Pero nais niyang isapuso ang magagandang memories habang ginagawa ang dream role na superhero.

“Marami akong naging kaibigang artista at naging malapit ako sa crew. Since first time ko pong naging bida, nakita ko po ’yung paghihirap nila sa taping and I willl forever be grateful to them,” rason ni Alden nang bisitahin ng press sa taping ng VM sa Sta. Ana, Manila kahapon.

Ano naman ang reaksyon niya sa nagsasabing na-cut short ang series dahil hindi ito makalarga sa ratings?

“Hindo po ito na-cut short. Victor ran its full season. Wala pong kinalaman ang ratings. Basta kaml naiparating sa manonood ang mensaheng gusto naming iparating,” diin ng Pambansang Bae.

Kahit na nga mainit ang suot na costume, ayaw niyang ipakita ang nararamdaman niya dahil mas iniiisip niya ang hirap din ng trabaho ng staff and crew.

“Parang worth it ba na magreklamo? Kaya mahal na mahal ko sila!” diin niya.

Paano nakatulong ang series sa pagkatao niya?

“Mas kinaya kong manindigan sa sinasabi ko, sa ginagawa kong desisyon. Hindi ’yung lagi tayong nakaantabay sa sasabhin ng mga tao. Kumbaga, if words can control you, everybody else can control you!” deklara ng Pambabsang Bae.

Bakasyon with his family ang next agenda ni Alden simula sa December 18. Gusto niya namang gumawa ng indie movie.

Eh, ’yung movie nila ni Maine?

“It will come! Nag-i-enjoy kami sa mga ginagawa namin. Maine and I are better now. No pressures, pero nandiyan pa din ang  AlDub,” pahayag ng aktor.