‘Natatagong detalye’ sa likod ng engagement nina Angel at Neil

June 30, 2019
Angel Locsin & Neil Arce

GINULAT nina Angel Locsin at Neil Arce ang publiko  last Saturday, June 29 nang i-announce na engaged to be married na sila.

Buong ningning na pinost ng “The General’s Daughter” star ang engagement nila  ng kanyang boyfriend of two years, ang businessman at film producer na si Neil.

Bago naging magkasintahan,  na-link si Angel kay Luis Manzano at si Neil kay Bela Padilla.

Samantala, napag-alaman namin na may anak na lalake umano si Neil sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend.  Pero hindi  lumitaw ang balitang ito kahit nung sila pa ni Bela.