Nathalie nanganak pero 'di nabalitang ikinasal

October 22, 2019

ANG cute ng first baby ng Fil-Australian actress na si Nathalie Hart (Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell) na si Baby Penelope, now almost nine months old by Indian businessman fiancé na si Mayank Sharma.

Although hindi pa muling humaharap sa entertainment media si Nathalie matapos niyang isilang sa Australia ang kanyang baby, may suspetsa ang marami na hiwalay na ito sa kanyang fiancé dahil wala itong post sa kanyang social media account na kasama si Mayank o magkasama ang kanyang mag-ama.

Bago nag-maternity leave si Nathalie last July, sinabi nito na dalawang beses umano silang magpapakasal ng kanyang fiancé, isa sa Australia kung saan naka-base ang kanyang pamilya at isang Indian wedding ceremony sa India kung saan naman naka-base ang pamilya ni Mayank. Pero mahigit isang taon na rin ang nakalipas at walang bagong update tungkol sa kanilang nabinbin na kasal.

Samantala, nakabalik na umano sa Pilipinas si Nathalie and her baby para ipagpatuloy ang kanyang pansamantalang natigil na showbiz career.