Natural way

October 07, 2018
Vilma Santos

Vilma, ’di pa handa sa kahit anong retoke.

Aminado si Lipa, Batangas Representative and Star For All Seasons Vilma Santos na hindi pa siya ready sa kahit ano’ng enhancement sa face man niya o sa katawan.

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay against siya sa mga beauty enhancements or treatments at wala siyang kontra sa mga taong gumagawa nito.

What she does now ay inaalagaan niya lang daw ang sarili niya in a natural way. Nag-e-exercise siya and watches her diet.

“I eat anything but with moderation. Pero I see to it that I exercise,” she said.

Pero ang talagang pinaka-importante pa rin daw talaga ay kung ano ang nararamdaman mo inside dahil nagre-reflect ito sa panlabas na kaanyuan.

Hindi raw siya natatatakot tumanda pero ang importante ay tumanda nang may pinagkatandaan.

“I’m not afraid to grow old but you can grown old gracefully. Lahat naman tatanda, eh.

“Pero siguro ’yung mga may enhancements, kung gusto nila ’yun, that’s fine. Kasi it’s also nice, magandang pakiramdam din if you look beautiful, ’di ba? Okay lang ’yun. There’s nothing wrong with enhancements,” sey ni Ate Vi.