Home>Entertainment>Showbiz>Netizens may payo kay Andrea Torres

Netizens may payo kay Andrea Torres

Andrea Torres
Andrea Torres

NAPA-‘SANA All’ ang netizens sa latest pasabog ng Kapuso actress na si Andrea Torres matapos niyang ibahagi sa social media kamakailan ang kanyang flat abs at mas sexy na figure.

Agad na umani ng positive comments ang post mula sa kapwa niya celebrities at mga tagahanga. Kasama sa mga pumuri kay Andrea ang kaniyang fellow Kapuso artists na sina Sanya Lopez, Chynna Ortaleza, Arny Ross, at Gabby Eigenmann.

Maraming netizens naman ang nagsabi na parang hindi galing sa isang break up si Andrea. May mga pilyo pang nagsabi na mabilis makakahanap ng kapalit si Andrea na mas higit pa kay Derel Ramsay. “Dapat humanap siya ng mas bata pa, at baka mas guwapo pa,” sabi ng isang netizen.

Well, to each his own.

Samantala, malapit na ring bumalik si Andrea sa TV via the upcoming drama series “The Legal Wives” sa GMA Telebabad. Isa siya sa makakatambal ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo rito. Abangan!

Andre at Sef malapit nang mapanood sa ‘Game of the Gens’

Game of the Gens

TIYAK na kakatuwaan ang tandem nina Andre Paras at Sef Cadayona bilang hosts ng upcoming game show na ‘Game of the Gens’ sa GMA News TV.

Excited na ang dalawa sa saya at impormasyon na hatid ng show kung saan ang mga maglalaro ay celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon.

“Hindi lang siya magiging game show. ‘Yung mga Kapuso natin na manonood, they will learn a lot. Like ako, born ’95 ako pero mahilig ako sa 60s, 70s music. ‘Yung iba naman mahilig sa fashion,” lahad ni Andre.

Siniguro naman ni Sef na lahat ay mage-enjoy sa programa. Aniya, “Di ba may Boomers, may Millennials, Gen Z, Gen X. Very fortunate kami to host sa ganitong klase ng show na pagsasama-samahin namin sila.”

Abangan ang ‘Game of the Gens’ malapit na sa GMA News TV.

Thea sinigurong wala munang sampalan o sabunutan ang next role

Thea Tolentino
Thea Tolentino

INAASAHANG magiging mainit ng kumpetisyon na mangyayari sa pagitan nina Thea Tolentino at Kelvin Miranda sa The Lost Recipe na mapapanuod na sa GMA News TV simula ngayong Lunes (January 18). Rivals sa restaurant business ang mga karakter na gagampanan nina Thea at Kelvin.

“Ako po dito si Ginger Romano. Family namin ang direct competitor ng restaurant ni Kelvin. Magfo-focus ang character ko sa pakikipag-compete talaga sa food industry dahil kami ang leading restaurant na may masarap na adobo. At gagawin ng family namin ang lahat para matalo ang restaurant ni Kelvin,” share ni Thea tungkol sa kanyang role.

Natutuwa si Thea dahil hindi na siya kabit, o kaaway ng bidang babae sa serye na ito. Bagama’t magkalaban sila ni Kelvin, hindi naman niya kaaway ang bidang si Mikee Quintos. Kung magkakaroon man sila ng kumpetisyon sa bandang huli, sinisiguro niyang wala nang sampalan o sabunutang mangyayari.

Samantala, marami na ang nag-aabang sa newest fantasy-romance series mula sa GMA Public Affairs. Gandang-ganda rin ang netizens sa full trailer ng series. May ilan ding nagkukumpara sa The Lost Recipe sa look at feel ng mga KDrama na patok na patok pa rin sa mga Pinoy. Ang kagandahan nga raw sa The Lost Recipe ay ibibida naman nito ang mga makasaysayang landmark ng Maynila bukod pa sa mga masasarap na Filipino food tulad ng adobo.

Abangan ang The Lost Recipe, simula na ngayong Lunes, 8 p.m., sa GMA News TV.

Shaira sumailalim ng face-to-face combat training

Shaira Diaz
Shaira Diaz

WALA nang atrasan para kay Shaira Diaz sa kanyang challenging role sa upcoming GMA Telebabad series na Lolong.

Talaga namang handang handa na ang magandang aktres. Kamakailan lang ay ipinasilip ni Shaira sa kanyang vlog ang ilan sa paghahanda niya para sa kanyang fight scenes. Ibang klaseng face-to-face combat training ang kanyang ginawa kasama ang kanyang co-star na si Ruru Madrid.

“By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus kaya okay naman. Safe naman basta siyempre ‘wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid,” pahayag ni Shaira.

Ipinamalas naman ni Shaira ang kanyang mga natutunan sa rehearsal ng isang fight scene kung saan akmang sinugod siya ng tatlong armadong lalaki.

Malapit na ring mapanood ang action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, soon on GMA Network.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal