Newbie singer-actor Miguel Villasis, dinadagsa ng indecent proposals

November 17, 2018
Miguel Villasis
Miguel Villasis

HINDI  itinanggi ng new-bie artist na si Miguel Villasis na nakakatang-gap siya ng iba’t ibang indecent proposal mula sa mga bading simula nung maging varsity player siya ng basketball sa Trinity College of Asia.

Kung anu-ano raw ang ino-offer sa kanya para lang mapapayag siyang maka-date and eventually maging kare-lasyon din.

“May nag-o-offer ng mga shoes, car din po, cellphone, condo unit po at siyempre pera,” pagtatapat niya.

Pero ni isa raw sa mga in-offer sa kanya ay wala siyang tinanggap.

“Hindi ko naman po kasi kailangan yon. Maibibigay din naman po yon sa akin ng magulang ko,” katwiran pa niya.

Ngayon ay tuluyan nang pinasok ng ni Miguel ang showbiz. Just recently, nagkaroon ng soft launch para sa kanyang single na may title na Date Tayo. Ang kanta ay nilikha ng fliptop sensation na si Rapido.

When we heard the song sa kanyang pocket presscon, very now ang lyrics at melody nito na maraming millennials ang puwedeng maka-relate.

Miguel is also the co-writer of Date Tayo. Kinailangan ang inputs niya sa kanta para mas maihayag ang kanyang emosyon at personality bilang isang artist.

Ang single ay ginamit bilang isa sa mga soundtracks ng short film na pinagbibidahan din nya, ang Two Strings Down, na inaasahang makapasok sa mga festival dito sa bansa at abroad.

Marami pang gustong patunayan ang newbie artist sa mundo ng showbiz. Sumali siya sa isang model search kung saan nanalo siyang first runner up. Dumaan na rin siya sa acting workshop.

Mapapakinggan ang Date Tayo sa online platforms at soon ay lalabas ang music video nito sa YouTube.

Produced ito ng PSRstudios, katambal ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Well, goodluck Migue. Sana nga ay maabot mo ang kasikatang iyong pinapangarap!