Nicko, sinagot ni Kris sa Instagram

January 05, 2019
Nicko Falcis & Kris Aquino

Naglabas ng sariling review si Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto.

Puring-puri niya ang movie pati na ang tatlong lead lalung-lalo na nga ang ka-loveteam ni Alden Richards.

“You need to be as secure with where you are & who you are in  entertainment to be as comfortable as Vic Sotto in sharing the spotlight.

“Because this movie was Coco Martin at his best. I worked w/ him in Kung Tayo’y Magkakalayo in 2009 and again in Feng Shui in 2014 but now he’s not just the primetime king, he’s our action king.

“Bimb was impressed with the agility & fitness of Lito Lapid (no disrespect, it’s election season & sinusubukan ko pong ’di magbanggit ng kanyang posisyon na tinatakbuhan). I was fascinated by the fact he was the director of all fight scenes & stunts -- Olympus Has Fallen level!

“@mainedcm was captivating. For me she’s as refreshing as Tiffany Haddish was in her appearance on @theellenshow the one w/ @oprah (I’ve seen it 16X on @youtube) and she’s as spontaneous as Cardi B, in a wholesome way,” ang bahagi ng review ni Kris na inilabas niya sa kanyang Instagram account.

Samantala, nag-trending si Kris kahapon sa Twitter dahil bukod sa kanyang review sa JEP, pinag-uusapan din ang inilabas na counter-affidavit ni Nicko Falcis kaugnay ng qualified theft at violation of Republic Act No. 8484 na isinampa niya rito.

Itinanggi ni Nicko ang akusasyon sa kanya ni Kris at nagpaliwanag tungkol sa credit card charges na aniya ay ginamit niya para sa mga gastusin na may kinalaman sa KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions) habang nagtatrabaho siya rito.

Kagabi, nagkaroon ng IG Live si Kris para sagutin ang mga pahayag ni Nicko.