No show

December 02, 2018
Tirso Cruz III

Tirso, ’di pa tapos ang pagluluksa.

Wala si Tirso Cruz III sa presscon ng Rainbow’s Sunset at naintindihan ng mga producer, Director Joel Lamangan at cast ng MMFF entry ang absence niya. In mourning pa ang aktor sa pagkamatay ng anak na si TJ Cruz and in fact, ang social media account nito, pictures ng anak ang naka-post.

Nami-miss nila ni Lyn Cruz ang kanilang panganay at laging may pa-throwback si Pip sa kanyang post. Ang latest post nga ng aktor, baby pa si TJ na karga-karga niya. Ang caption ni Pip sa picture: “GODly heavenly morning TJ. I chanced upon this pic this morning and again it brought tears to my eyes. How I wish I could embrace you this way and never let go.”

Pero, kahit wala sa presscon si Pip, ramdam ang presence niya dahil ipinalabas ang full trailer na kung saan, napanood ang husay niya. Sa kwento nina Sunshine Dizon at Aiko Melendez na puring-puri ang aktor sa husay umarte at magaling na pakikisama, kaya ramdam na para silang tunay na magkakapatid.

Perfect cast ang mga gumaganap sa Rain-bow’s Sunset, Rated PG ng MTRCB, kaya mapapa-nood ng lahat. Sa December 25 na ang simula ng showing ng movie na dedicated ng magkakapatid na Herbert, Hero at Harlene Bautista sa mga magulang nilang sina Boots at Baby Bautista.