Nurse, nagpasalamat kay Dingdong

April 08, 2020
Dingdong Dantes

MAGANDA at nakaka-touch ang tula ni Yan Yuzon na Ngingitian Kita  para sa frontliners.

Sabi nga ni Yan, “Ngingitian Kita — isang pasasalamat sa lahat ng frontliners ng Pilipinas.”

Sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Tom Rodriguez, Mikoy  Morales, Mikee Quintos, Rita Daniela, Ben Alves at Sunshine Dizon ang nag-recite ng poem.

If you have time, visit the socmed accounts of the artists mentioned para marinig ninyo ang tula na kahit hindi kayo frontliners, maaapektuhan kayo.

May nag-comment na nurse sa Instagram (IG) ni Dingdong at nagpasalamat sa ibinigay na pagpapahalaga sa kanila.

May nag-comment pa na kahit simple ang letra, nakakaiyak pa rin ang mensahe ng tula na Ngingitian Kita.